Una sa Balita

COMPETITION: 55 schools, universities nakilahok sa Ajinomoto Umami Culinary Challenge

By
Ang pagsasama-sama ng mga aspiring chefs mula sa 55 schools at universities sa buong Pilipinas para sa 7th Ajinomoto Umami Culinary Challenge sa Philippine Trade and Training Center sa Pasay noong Enero 30, 2016. (Loti Amor Leycano)
0 4

Mahigit 300 culinary students mula sa iba’t ibang paaralan at unibersidad ang sumali sa Ajinomoto Umami Culinary Challenge (UCC) noong Enero 30, 2016 sa Philippine Trade and Training Center sa Pasay.

Ang mga nasabing kalahok ay nagmula pa sa NCR, Ilocos, Bicol, Central Luzon at Southern Luzon gayundin ang mga regional winners na mula naman sa Visayaz at Mindanao.

Tatlong kategorya ang pinaglabanan: Best Filipino Umami Dish, My Own Umami Creation at Umami Master habang dalawang kategorya ang nasa non-culinary na Aminomazing Showdown at My Umami and I.

Ang pagsasama-sama ng mga aspiring chefs mula sa 55 schools at universities sa buong Pilipinas para sa 7th Ajinomoto Umami Culinary Challenge sa Philippine Trade and Training Center sa Pasay noong Enero 30, 2016. (Loti Amor Leycano)
Ang pagsasama-sama ng mga aspiring chefs mula sa 55 schools at universities sa buong Pilipinas para sa 7th Ajinomoto Umami Culinary Challenge sa Philippine Trade and Training Center sa Pasay noong Enero 30, 2016. (Loti Amor Leycano)

Layunin ng kompetisyon na mai-promote ang mga bentahe ng umami taste sa paghahanda ng samu’t saring recipes.

Maliban sa live cooking competitions, nagkaroon din ng Q and A games para sa mga audience na pinangunahan ni Dr. Celeste Tanchoco, isa sa mga hurado, katuwang ang host ng programa.

Makabasag-pinggan naman ang hiyawan ng crowd nang dumating si Teen Queen Kathryn Bernardo, na endorser ng Ajinomoto Umami Seasoning. Mainit na pagbati ang isinalubong ng Kapamilya actress sa mga tao at kumanta din ng “All About That Bass” ni Meghan Trainor.