Una sa Balita

Company driver tinaniman ng bala sa ulo

By
0 285

PATAY ang isang company driver matapos tambangan ng ‘di kilalang salarin habang sakay ng motorsiklo at papasok sa trabaho sa Port Area, Maynila kamakalawa nang umaga.

Nakilala ang biktimang si Paulino Saquine, 44-anyos, company driver, ng Baseco Compound, Port Area na nagtamo ng ng isang tama ng bala sa ulo na tumagos sa kanyang kaliwang pisngi.

Habang nakatakas ang ‘di kilalang suspek bitbit ang ‘di pa batid na kali­bre ng baril na ginamit sa pagpatay.

Sa imbestigasyon ni P/CMS Jona­than Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, alas-8:45 nang umaga ay lulan ng motorsiklo ang biktima at papasok na sana sa trabaho nang bigla na lang siyang harangin ng ‘di kilalang suspek at pinaputukan na tinamaan sa ulo.

Naglalakad lamang na tumakas mula sa crime scene ang suspek, patungo sa direksiyon ng Block 5 extension.

Kaagad namang dinala ng mga concerned citizen sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy