Una sa Balita

Community quarantine sa Pangasinan mas hinigpitan, 4 na positive sa Covid

0 433

NAGBABA si Pangasinan Gov. Amado “Pogi” Espino III ng under extreme enhanced community quarantine mula noong March 23 hanggang 31 matapos makapagtala ng apat pang kaso ng coronavirus disease o COVID-19.

Sa Executive Order (EO) number 0015-2020, ipapatupad nito ang hindi pagpasok at paglabas sa lalawigan ng Pangasinan mula sa ibinigay sa nasabing araw (March 23 hanggang 31).

“The movement of the people within the province shall be exclusively for the purpose of accessing basic necessities and things essential to survival, such as food and medicine,” ani Espino III.

Ayon pa sa EO, pinagbabawal din ang lahat ng residente na lumabas ng bahay maliban kung may bibilhin silang importanteng gamit at pagkain.

“Barangay officials shall be in the forefront ensuring strict home quarantine of their residents. Only those with a valid home pass, limited to one person per household, shall be allowed to go outside the confines of their homes to buy basic necessities,” ayon sa EO.

Sa datos ng Pangasinan Statistics Ofiice, kulang sa apat na milyon ang total population ng buong lalawigan. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More