Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Community plant-ry inilagay sa Laguna

0 48

Mula sa inspirasyon ng orihinal na community pantry, nakaisip ang mga agri-advocate sa Laguna ng next level na paraan para matulungan ang mga kababayang hirap ngayong nagpapapatuloy pa rin ang pandemya.

Sinimulan ng Anahaw Laguna ang community plant-ry na binago ang slogan ng Maginhawa community pantry na, “Kumuha base sa kayang itanim, Magbigay para itanim ng iba.”

Ibinibigay dito ang iba’t ibang buto ng prutas at gulay na madaling mamunga para maturuan ang mga tao na magtanim sa kanilang bakuran.

Lahat ng buto ng prutas at gulay ay maaaring ibigay sa sinuman gustong magtanim ng mga edible plant sa kanilang backyard.

SM food to go Banner Ad

Mayroon ding mga agriculture advocate sa plant-ry na maaaring tumulong na magbigay ng impormasyon at technical assistance kung papaano magsisimula ng backyard edible garden.

Sinabi ng grupo na ang plant-ry ay suporta sa community pantry movement na kumalat na sa Pilipinas na pinasimulan sa Maginhawa, Quezon inorganisa ni Ana Patricia Non.

Nagsisimula ang Anahaw Laguna Plant-ry na mamigay ng mga buto mula alas-nuebe ng umaga sa Main gate, Villa Olympia 1, Brgy. Maharlika, San Pedro, Laguna. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.