Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Community pantry organizer bida sa Rotary Golden Wheel Awards

0 39

Nakatakdang gawaran ng 2020-2021 Rotary Golden Wheel Awards si community pantry organizer Ana Patricia Non kasama ang 10 piling indibidwal sa ibang larangan na gaganapin sa Marriot Hotel sa Pasay sa Linggo, Hunyo 20.

Katuwang ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte at Rotary Club of Rotary International District 3780, kinilala ng Golden Wheel Awards ang mga natatanging ‘non-Rotarians’ na nagpakita ng ‘Rotary spirit of Service Above Self’ at ‘guiding principles of the Four Way Test’.

Pormal na inanunsyo ni Rotary International District 3780 Governor Johnny Gaw Yu at Golden Wheel Awards chairman Paul Angel Galang ang mga nanalo sa 2020-2021 Rotary Golden Wheel Awards sa 11 kategorya.

Ayon kay Yu, lahat ng mga awardee ay mga natatanging personalidad na malaki ang kontribusyon sa serbisyo publiko.

Bahagi ng konsepto ng Golden Wheel na halaw sa Rotary Wheel ay sumisimbolo sa passion, excellence at serbisyo. Ang logo ng Golden Wheel Awards ay hango sa 3 pillars ng Quezon City Memorial landmark na sagisag nang nabuong partnership sa pagitan ng RI District 3780 at Quezon City government.

Tumayong awards selection committee chairman si past District Governor Samuel Pagdilao Jr. kasama si QC Councilor Winnie Castelo, past District Secretary Bong Cruz at mga Rotary Governor mula sa ibang distrito na bumoto ng nanalo sa hanay ng mga nominado sa ibat ibang kategorya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mula sa ginamit na bamboo cart sa Maginhawa Street, naging inspirasyon ng maraming Pinoy ang 26-anyos na si Non sa pagtatayo ng mga community pantry para makatulong sa mga mahihirap na mamamayan sa gitna ng pandemya.

Si Non, kilala sa tawag na ‘Patreng’ ng kanyang mga kaibigan ay nagtapos sa UP College of Fine Arts, at may maliit na furniture making shop na nagsara dahil sa COVID-19 health crisis.

Kabilang sa mga awardee sina Non at Ferdinand Constantino, Growing Local Economies amidst pandemic category; Dr. Edith Tria, Josephine Barbin at lawyer Dorothea Gancayco, para sa Supporting Education category; Dr. John Michael Lao at Fr. Arthur Opiniano, Fighting Disease category.

Kasama din sina Fr. Steve Tynan at Barangay Tanod Melodina Maximo, Promoting Peace; Clarita Orlain, Protecting the Environment at midwife Leila Rebadomia, Saving Mothers and Children.

Kinilalang ‘ama’ ng Rotary Golden Wheel Awards sina Past District (PDG) Governor Rufino “Penny” L. Policarpio III, PDG Samuel D. Pagdilao Jr., PDG Dan Espinosa, PDG Chito Borromeo, PP Bong Cruz, PDS Suzette Lee at PP Melandrew T. Velasco.

Leave A Reply

Your email address will not be published.