Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Community pantry binuksan para sa mga nanay

0 82

May 300 nanay na nakatanggap ng ayuda sa community pantry na nagbukas kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day, kamakalawa sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Defend Jobs Philippines’ spokesman Christian Lloyd Magsoy, bukod sa pagkain ay nakatanggap din ng rosas ang mga ina.

Istrikto aniyang ipinatupad ang social distancing at maayos na pagsusuot ng face mask at face shield sa pantry na handog para sa mga nanay na apektado ng pandemya.

“As financial managers of the family, budgeting is no longer possible because of lack of jobs during the pandemic.”

Nalaman na ang mga ipinamahaging pagkain at bulaklak ay donasyon ng political prisoner support group na KAPATID at pamilya ng Manila detainee na si Reina Mae Nasino.

Si Nasino ay kabilang sa mga aktibista na inaresto sa tanggapan ng Bagong Alyansang Makabayan sa Tondo noong Nobyembre 2019. Buntis siya noon at inihiwalay mula sa kanyang sanggol na si River, na nasawi kalaunan dahil sa pneumonia.

Hinikayat ng grupo ang publiko na mag-donate, kung kaya, sa Matimyas Community Pantry sa GCash na 09155670410. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.