Una sa Balita

Common station ng LRT at MRT, tapos ng 3 taon

By
0 99

Nais ng ­Department of Transportation (DOTr) na madaliin sa lalong madaling panahon ang konstruksyon ng mass railway system ­common station sa pagitan ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Target ng ahensya na sa loob lamang ng tatlong taon ay pagaganahin na ito at mabibigyang serbisyo ang daang libong ­bilang na tumatangkilik at dumedepende sa railway system ng gobyerno.

Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, tatapusin nila sa susunod na da­lawa at kalahati hanggang sa tatlong taon ang proyekto para sa kapa­kanan ng nakararami.

Nabatid na ang itatayong common station ay para sa LRT Line 1, MRT Line 3, at MRT-7 na kasalukuyang isinasa­ilalim sa konstruksyon.

Tinatayang aabot sa hanggang P2.8 bilyon ang gagastusin para sa 13,700-square meter station sa Quezon City na ilang taon din na natengga ang konstruksyon dahil sa girian ng dala­wang may-ari ng shopping mall. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy