Una sa Balita

Commercial model tiklo sa mga party drug

0 1,089

NASA kustodya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang commercial model matapos masamsam ang mga hinihinalang party drug at liquid ecstasy sa loob ng kaniyang bahay sa isang ekslusibong subdivision kamakalawa nang gabi sa Mindanao Ave., Quezon City.

Isinagawa ng NBI ang pagsalakay sa bahay ng suspek na si Zuher Bautista sa bisa ng search warrant ng inilabas ni Judge Virgilio Macaraig ng Manila Regio­nal Trial Court Branch 37, dakong alas-10:00 nang gabi.

Nalaman na nagsasagawa umano ng surveillance ang NBI kung saan nalaman na ginagawang drug den ang bahay ni Bautista kung saan sa mismong kuwarto nito ginagawa ang drug session.

Nadiskubre ng mga ahente ng NBI sa laga­yan ng mga candy, ang ilang tableta na hinihinalang drug party.
Habang nakalagay naman sa iba’t ibang botelya ang hinihinalang liquid ecstasy.

Sinamsam ng NBI ang mga likido at tabletas at dinala sa laboratoryo para ipaeksamen.

Sa imbestigasyon ng NBI Special Action Unit, mga kabataan at kapwa modelo ang madalas umanong kasama ni Bautista ang kanyang mga parukyano.

Itinanggi naman ni Bautista na sa kanya ang mga nakuhang droga at matagal na umano nang huli siyang gumamit.

Inamin naman ni Bautista na mahilig siyang mag-party pero hindi raw nila trip ang pagdro-droga.

Inimbitahan rin ng NBI ang mga kaibigan ni Bautista na naabutang kasama niya nang isagawa ang raid.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy