Una sa Balita

Comelec, Smartmatic tandem sa pagtumba sa aide ko – Chong

By
0 515

INAKUSAHAN ng abogadong si Glenn Chong na ang mga kalaban niya sa Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic bilang utak sa pagkakapaslang sa kanyang kaibigan at aide na si Richard Santillan sa Cainta, Rizal noong Lunes.

Naniniwala rin si Chong na isang election reform advocate at kumakandidatong senador sa 2019 midterm elections na may mensheng nais iparating sa kanya, lalo na ang Smartmatic, para pahintuin siya sa pagbubunyag pa ng nangyari umanong da­yaan noong nagdaang halalan.

“Tinatakot nila ako at gusto nila akong pilayan by going after the people na malapit sa akin. Hindi sila magwawagi,” diin ni Chong.

“Magkasama kami sa Naga para sa kandidatura ko. Pero nagpaalam siya para sa gift-giving nila. Ang nagawa po niya, pumupunta po siya sa mga school na may mahihirap na mga bata. Tapos pinasusulat niya ng wish list for Christmas. Tapos, he and our group reques­ted our friends for the gifts, na idi-distribute niya. Sunday, he was scheduled to distri­bute it, kaya pinayagan ko siya na umuwi na mauna,” ani Chong.

Pinalagan din ni Chong ang paratang na miyembro ng sindikato ang biktima.

“Kung may Bong Go si Pangulong Duterte, meron naman akong Richard Santillan na lagi kong kasama halos 24/7 kaya imposible ang sinasabi nila,” giit nito.

Isa lang din aniya ang baril ni Santillan na siya pa ang nagbigay kaya walang katotoha­nan na may dala itong iba’t ibang klase ng baril sa kanyang sasakyan.

“Imposible ring may granada sa sasakyan ko… ako ang gumagamit ng sasakyan ko at hindi ako nagdadala ng granada,” diin pa ng senatorial aspirant.

Iginiit din ni Chong na malinaw ang mensahe sa kanya ng pangyayari.

“Wala akong kalaban maliban sa sindikatong riding-in-tandem ang Comelec at Smartmatic. Ito ang tanging nakikita kong anggulo,” giit ni Chong.

Samantala, sinabi ni Chong na binigyan niya ng hanggang Biyernes ang pulisya ng Regional Police Office IV para ibi­gay sa kanya ang lahat ng report sa insidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy