Una sa Balita

Comelec sinisingil sa atraso sa mga guro

0 245

Hindi pa natanggap nang buo ng mga gurong nagsilbi sa katatapos na midterm elections ang kanilang honoraria o bayad mula sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Department of Education Undersecretary Alain Pascua na may impormasyon sila na may ilan pang mga guro na hindi pa nabayaran nang buo ng Comelec.

Pero may hanggang May 28 aniya ang Come­lec para maibigay ang pinagpaguran ng mga guro sa kanilang pagsisilbi sa katatapos na eleksiyon.

“‘Yung EZRA law, the election service requirement is mandating the Comelec to pay in full all the honoraria and allowances by May 28. That’s fifteen days after elections,” ani Pascua.

Sinabi ng opisyal na naunang ibinigay sa mga guro ang mga allo­wance kaya’t honoraria na lamang ang hinihintay ng mga ito mula sa Comelec. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy