Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Comelec pipigain ng Kamara sa hacking

0 48

Naghain ng resolusyon si Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. upang paimbestigahan ang napaulat na hacking ng Commission on Elections (Comelec) server kamakailan.

Sa kanyang House Resolution No. 2436, binigyan-diin ni Barzaga ang pangangailangan na matukoy ang lakas at mga butas sa automated election process ng bansa upang maproteksyunan ng integridad ng halalan.

Sabi ng mambatas, totoo man o hindi ang insidente, dapat pa rin imbestigahan ang technical capacity ng Comelec para sa mga importanteng impormasyon na makakaapekto sa seguridad ng mga Pilipino.

Giit pa ni Barzaga na dapat malaman din sa pagdinig kung ano ang mga hamon na kinakaharap ng Comelec sa pagpapatupad ng automated election at kung ano ang hakbang na ginawa nito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.