Una sa Balita

Comelec officer itinumba sa Batangas

By
0 1,134

PATAY ang isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) matapos barilin ng ri­ding-in-tandem sa bayan ng Bauan, Batangas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Noel Alvarez Miralles, 53-anyos, Comelec election officer ng Mabini at residente ng Brgy. Dumantay, Batangas City.

Ayon sa report, nag-aabang ng masasakyan papauwi ang biktima sa tapat ng Citimart-Bauan sa Brgy. 4, Poblacion nang pagbabarilin ng mga suspek bandang alas-6:10 ng gabi.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek sakay ng itim na motorsiklo patungo sa bayan ng San Pascual, Batangas.

Naisugod pa sa Bauan General Hospital ang biktima pero idineklara na itong dead-on-arrival ni Dr. Aries Bautista.

Inaalam pa ng ­pulisya ang motibo ng insidente.