Una sa Balita

Comelec naghahanap ng supplier sa P150M ballot paper, marking pen

By
0 118

BINUKSAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang bidding para sa supplier ng mga ballot paper at marking pen bilang paghahanda midterm elections na gaganapin sa Mayo 13, 2019.

Sa ilalim ng Invitation to Bid na pirmado ni Special Bids and Awards Committee (SBC) Chairperson Thaddeus Hernan, nabatid na naglaan ang poll body ng P150.8 milyon para sa mga nasabing kagamitan sa nalalapit na halalan.

Nakapaloob na ito sa budget ng Comelec para ngayong taon alinsunod sa itinatakda ng 2018 General Appropriations Act (GAA).

Para sa mga ballot paper, nangangaila­ngan ang Comelec ng 2,610 rolyo nito habang 1,168,200 piraso naman ang kinakailangan na mga marking pen.

Ang mga interesadong bidder ay kinakailangan ay nakakompleto ng kontrata para sa kaparehong proyekto sa nakalipas na walong taon at puwede lang dito ang ‘Filipino citizens/sole proprietorships, partnerships, or organizations’ na may 60% interest o outstan­ding capital stock.