Una sa Balita

Comelec may petsa na sa local absentee voting

By
0 199

Nagtakda na ang Commission on Elections (Comelec) ng petsa para sa pagdaraos ng Local Absentee Voting.

Sa ilalim ng Come­lec Resolution 10443, itinakda ang local absentee voting sa Abril 29, 30 at Mayo 1.

Ang mga maaring makaboto sa ilalim ng local absentee voting ay ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) at miyembro ng media na inaasahang nasa trabaho sa araw ng halalan sa Mayo 13, 2019.

“Local absentee voters shall vote on any day from April 29, 30, and May 1 from 8 in the morning to 5:00 in the afternoon,” saad ng Comelec resolution.

Pinapayagan ang mga local absentee voter na bumoto ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list organization.

Ang mga boboto sa ilalim ng local absentee voting ay kinakailangang kumuha ng application at isumite ito hanggang Marso 11, 2019.

Para sa mga kawani ng gobyerno at miyem­bro ng AFP at PNP, ang aplikasyon ay isusumite sa mga pinuno o supervisor ng kanilang tanggapan o ‘di kaya ay sa kanilang commander.

Ang media naman ay maghahain ng application sa mga lokal na tanggapan ng Comelec.

Ang mga boto sa ilalim ng local absentee voting ay bibila­ngin sa hapon ng araw ng eleksyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy