Una sa Balita

Comelec kinuyog sa sablay na data card

0 256

By Allan Bergonia

KINASTIGO ni Foreign Affairs Secretary Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin, Jr. ang mga nararanasang aberya ng Commission on Elections (Comelec) sa pagdaraos ng halalan ngayong Lunes, Mayo 13.

Naglitanya si Locsin matapos magkomento si datin­g Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal hinggil sa balitang 686 SD (Secure Digital) cards ang corrupted at kinakailangang palitan.

May himig ng pagsisisi ang pahayag ng kalihim dahil isa siya sa nagsulong ng automa­ted elections noong miyembro pa ng Kamara.

“The fuck up in our time continues to this day. And the reason is we found a million excuses for the fuck up in our time and left things pretty much alone to fuck up again and again and again and again and again. Boy am I sorry I pushed so successfully for automated elections,” tweet ni Locsin nitong Sabado.

Sa tweet naman ni Larrazabal, nagtanoong ito kung sino ang supplier ng SD card ng Comelec. “It seems there’s an issue regarding the quality of the SD procured and supplied.”

Maging ang mga kilalang politiko sa bansa ay nagulat sa mga corrupted SD card.

“WHAT?!?!?!?!” tweet ni Edu Manzano na tumatakbo bilang congressman ng San Juan.

Walang masabi si Comelec spokesman James Jimenez kung sino ang supplier ng depektibong SD card. May mga ulat na ang nag-supply nito ay ang joint venture ng S1 Technologies, Inc. at Silicon Valley Computer Group.

Tiniyak naman ni Jimenez na hindi makakaapekto sa halalan ang mga palyadong SD card.

Aniya, higit 85,000 ang back-up na SD card ng Comelec.

Nangangamba naman si senatorial bet Neri Colmenares sa ulat ng corrupted SD card kaya’t dapat lamang aniya na maging mapagbantay ang marami sa darating na halalan.

“Dapat maging mapagbantay sa susunod na eleksyon lalo pa at may mga report na corrupted SD cards at iba pang anomalya sa halalan lalo pa sa OAV,” panawagan ni Colmenares.

Samantala, pumalya naman ang 10 vote counting machines (VCMs) nang isailalim ang mga ito sa final testing at sealing noong Biyernes nang umaga sa Baguio City.

Ayon kay Commission on Election (Comelec)-Baguio City election officer Atty. Reyman Solbita, inaayos na ang mga detiktibong VCM matapos siyang humingi ng saklolo sa Regional Technical Support Center (RTSC) ng Comelec-Baguio City.

Sinabi ni Solbita, patuloy din ang pagtanggap ng opisina niya sa mga assessment report ng mga gurong nagsagawa ng final testing and sealing sa mga makina ng VCMs.

Aniya, 230 na mga VCM ang na-deploy gamit ang 11 na closed vans kahapon ng umaga sa iba’t ibang mga pol­ling precinct sa Baguio habang may 22 VCMs na reserba ang lungsod.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy