Una sa Balita

Comelec ilalarga na ang kaso sa mga pasaway na senatoriable

0 282

SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang proseso ng case build-up laban sa mga national candidate na lumabag sa election campaign rules.

Sinabi ni Comelec Spokesman James ­Jimenez, hindi pa nila ibubulgar ang mga pa­ngalan ng kandidato sa ngayon pero sasabihin nila ito sa tamang ­panahon.

Gayundin, sinabi ni Jimenez na titingnan nila kung maganda ang gagawing case build-up para maituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa mga kandidato na lumabag.

Wala namang ibinigay na clue si Jimenez sa mga pangalan ng kandidato para hindi ma-preempt ang kaso.

Gayunman, sinabi ni Jimenez na nakapagpadala na sila ng notice of violation sa mga kandidato dahil sa campaign poster violation.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy