Una sa Balita

Comelec gumastos ng P600M sa purnadang eleksyon

By
0 2

Umabot na sa P600 milyon ang nagastos ng Commission on Elections (Comelec) sa preparasyon nito para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong Oktubre na ipatitigil ng Kongreso.

Sa kabila nito, nanindigan si Comelec Chairman Andres Bautista na hindi masasayang ang nagastos nila para sa kanilang paghahanda.

Sa panayam sa Senado, sinabi ni Bautista na as of Septenber 20, nasa P600 milyon na ang kanilang nagastos sa pag-iimprenta ng mga balota, sa overtime ng mga tao at sa mobilization.

Ipinaliwanag naman ni Bautista na hindi katulad sa National at Local Elections, ang mga balota sa Barangay at SK Elections ay walang nakasulat na mga pangalan ng mga kandidato.

“Ang pagkakaiba ng ating Barangay at SK Elections sa ating National at Local Elections ito ay manual elections. Sa ating Barangay Elections ay manual so simple lang ang balota meron siyang mga puwang parang student council elections at ang dapat gawin ng botante ay isulat ang pangalan nu’ng iboboto nila bilang barangay chairman kagawad at SK,” paliwanag ng opisyal.