Una sa Balita

Comelec chief sinampahan na ng impeachment

By
0 160

Tinuluyan na ng impeachment complaint si Commission on Election (Comelec) chairman Jose Andres “Andy” Bautista sa House Secretary General’s Office nitong Miyerkules na kaagad inendorso ng tatlong miyembro ng Kamara.

Pasado alas-3:00 ng hapon nang pormal na isampa nina dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio ang impeachment complaint laban kay Bautista.

Personal na pinirmahan nina House deputy speaker Gwen Garcia ng Cebu, Batangas Rep. Abraham Tolentino at  Kabayan Rep. Harry Roque ang reklamo na inihain sa tanggapan ni House Secretary General Cesar Pareja.

Sa 19-pahinang impeachment complaint bukod sa mga annexes, mga kasong may kaugnayan sa betrayal of public trust ang grounds ng impeachment.

Isa sa dahilan ng impeachment ay ang  hindi umano nagawang protektahan ni Bautista ang personal data ng milyun-milyong botante matapos lumabas sa social media ang listahan mga registered voters bago pa man sumapit ang 2016 election o ang tinawag na Comeleaks; kabiguan ng Comelec chairman na protektahan ang website ng commission at ang tinatawag na “Script Tweak” nang pakikialam ng isang empleyado ng Smarmatic ang computer sa kasagsagan ng bilangan ng boto noong Mayo 2016.

Itinuturing din ng mga complainant na betrayal of public trust at culpable violation of the constitution, ang kabiguan ni Bautista na ideklara ang lahat ng kanyang yaman sa kanyang Statement of Assets, Laibilities and Networth (SALN).

Ayon pa sa abogado ng mga complainant na si Atty. Manuelito Luna, may kasamang kasong graft and corruption at bribery ang sasapitin ni Bautista dahil sa pagtanggap umano nito ng referral fees sa isang law office.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy