Una sa Balita

‘Combat item’ ng mga pulis hinahanap ng COA

By
0 696

Hinahanap ng Commission on Audit (COA) sa Philippine Internatio­nal Trading Corporation (PITC) ang mahi­git isang bilyong pisong halaga ng mga ‘combat item’ para sa mga pulis.

Ayon sa COA na batay sa rekord, dapat nagagamit na ng mga pulis noon pang Marso 2016 ang 42 utility truck, 6 na light personnel carrier, mahigit tatlong libong mga ‘poncho,’ 12 automatic grenade launcher at iba pang mga ‘hardware.’

Ayon sa COA, sa loob ng anim na buwan ay dapat makumpleto ng PITC ang delivery sa PNP kundi ay dapat i-refund sa gobyerno ang nabanggit na halaga.

Nasaan na kaya ang perang ito?

Sa kabilang banda, pinagpapaliwanag rin ng COA ang Philippine National Police (PNP) sa biniling mahigit dalawang libong unit na mga Mahindra vehicle noong 2015, na nadiskubreng mahinang klase at walang makuhang ‘spare parts.’

Nagamit kaya ang mga sasakyang ito para mapalakas ang ‘ police visibility’ sa mga komunidad?

***

Nabulaga ang bansa nang itumba si Tanauan City Mayor Antonio Halili habang nasa Flag raising ce­remony noong Lunes ng umaga. Sapo ang dibdib habang inaawit ang ‘Lupang Hinirang,’ umalingangaw naman ang isang punglo na tumama sa alkalde. Isang bala ang kumitil kay Mayor Halili.

Related Posts

Maharlika

Bawat araw

Kontrobersiyal na politiko si Mayor Halili. Nakilala sa kaniyang istilo na ‘shame campaign’ at kalaban ng iligal na droga sa kaniyang lugar, subalit napasama naman ang pangalan sa ‘narco-list’ ng Malacañang, bagay na ikinasama ng loob ng alkalde.

***

Kung ano man ang motibo ng pamamaslang kay Mayor Halili ay bagay na inaalam na ng mga imbestigador. Kung may kasabwat man o may nag-utos sa salarin, isa lamang ang malinaw, propesyonal ang bumira kay Mayor.

Marksman. May sapat na ‘training.’ Buo ang loob at handang pumatay.

Ang pagkakapaslang kay Mayor Halili ay ma­laking hamon sa mga ‘high profile personality’ sa bansa na sangka­terbang ang mga nakapaligid na security o bodyguard.

Sa kaso ni Mayor Halili, walang nagawa ang kanyang mga ‘badigard.’ Open target ang kanilang ‘VIP.’

Magbago na kaya ngayon ang mga ‘security protocol’ ng mga pulitiko sa bansa?

Napatunayan man ang sangkaterbang ‘security detail’ ng isang politiko ay hindi kasiguraduhan na makakaligtas o makakaiwas ito sa isang determinado at ‘ cold-blooded assassin.’

Agad sanang mahuli ang salarin at mapanagot ang mga nasa likod nang pamamaslang kay Mayor Halili.