Una sa Balita

Comaling gold sa pentathlon Tsibog susi sa panalo

0 420

NATUTO na si Michael Ver Anton Comaling sa kanyang pagkakamali kaya naman nakasilo ito ng gintong medalya matapos maghari sa Beach Triathlete Individual men’s competition ng Modern Pentathlon sa 30th Southeast Asian kahapon ng umaga sa Subic Bay, Boardwalk.

Nirehistro ni 19-year-old Comaling ang 17 minuto at walong segundo upang sikwatin ang kanyang unang gintong medalya sa Modern Pentathlon, pangalawa para sa Pilipinas.

Ayon kay Ormoc City native Comaling, naging susi sa kanyang panalo ay ang pagkain nito ng marami bago sumalang sa laban sa event na mauuna ang four-target laser pistol shooting/50-meter swim at 800m run race.

“I Learned my lesson, na-inspire ako sa sinabi ng mga coach ko today na forget the past and then focus on today. That’s why kumain ako ng marami, ‘yan it gave me energy to win,” masayang kuwento ni Comaling na dating swimmer.

Inamin ni Comaling na hindi siya kumain sa una niyang event na men’s Beach Laser run Individual noong Huwebes kung saan tumapos lang ito sa seventh place.

“Nahirapan ako yesterday napagod po ako kasi hindi ako kumain and then nag compete, for first two rounds I was the first one tapos last two rounds na shock ako parang nahihimatay ako dahil sa pagod,” patungkol ni Comaling sa kanyang pagkatalo.

Nakuntento sa silver medal si Phurit Yohuang ng Thailand nilista ang 17 minuto at 19.83 segundo habang bronze ang nasungkit ni Muhammad Taufik ng Indonesia, (17:37.76)

Si Taufik ang nagwagi sa men’s beach laser run. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More