Una sa Balita

Columbian Dyip ni Dandan byahe ulit kontra Meralco

0 1,262

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum):
4:30 pm — Columbian Dyip vs Meralco
7:00 pm — Phoenix vs Blackwater

IBANG klaseng enerhiya ang ibinuga ng Columbian Dyip sa first game nila sa PBA Commissioner’s Cup noong Linggo nang sagasaan ang Blackwater, 126-98, sa Smart Araneta Coliseum.

Balik ng Big Dome ang bagong tune-up na team ni Ricky Dandan para subukang sikwatin ang early lead ng midseason conference kontra Meralco sa opener mamaya.

Iba na ang attitude ng dating Kia team, masinsinang kinausap ni Dandan ang players para igiit na hindi na dapat sila maglaro tulad ng inilaro noong Philippine Cup nang tumapos lang na 1-10. Iibahin na rin daw niya ang paraan ng coaching.

“One change that is welcome,” pahayag ni Dandan sa kakaibang enerhiya ng Columbian. “That’s something we talked about after the first conference, after our last game against San Miguel.”

Dalawang linggong pinag-break ni Dandan ang team bago sumabak sa training camp at pinag-usapan ang pagbabago ng kanilang attitude.

Atake kung atake na sila ngayon, pukpukan ang locals sa pangunguna ng prized hugot sa free agency na si Jerramy King at mainstay Rashawn McCarthy na tumabo ng 30 at 22 points.(Vladi Eduarte)