79 rubber pellets ng cocaine nilulon

Colombian drug mule naharang sa NAIA

By

Umaabot sa P8.8 mil­yong halaga ng cocaine ang nakumpiska sa isang Colombian drug mule na nagtangkang magpuslit papasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon.

Isang tip mula sa pamahalaan ng Estados Unidos ang nagtulak sa mga awtoridad­ para makorner ang ­suspek na si Alberto Pedroza Quijano, 67-an­yos, tubong Colombia habang papasok sa ating palipa­ran.

Base sa impormasyon, nilulon di ­umano ng drug mule ang 79 rubber pellets ng cocaine dahilan para ares­tuhin ito sa NAIA Terminal 3 ng mga ­operatiba ng Airport Drug Interdiction Task Group.

Napag-alamang dumating ang suspek sa NAIA lulan ng Emirates Airline flight EK-332 mula sa Dubai at kaagad dinala sa Pasay General Hospital kung saan isina­gawa ang ‘X-ray medical scanning procedure’ at nakita ng mga hospital staff ang mga rubber pellets sa kanyang bituka.

Inabot ng mahigit sa 24 oras ang proseso bago nailabas ang mga rubber pellets mula sa tiyan ng suspek bago dinala sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laboratory para maeksamin.

Si Quijano naman ay sumailalim sa drug test at kalaunan ay ikinulong sa detention center ng PDEA .

SHARE