Una sa Balita

College student vendor sa umaga, gasoline boy sa gabi

0 657

NAG-VIRAL ngayon sa social media ang larawan ng isang college student na suma-sideline bilang gasoline boy at tindero ng sitsirya para matustusan ang kanyang pag-aaral.

Base sa pinost na larawan ni Analyn Marco, makikitang may hawak na mga sitsirya ang Biology­ student na si Christian Mark Magistrado na ibinebenta sa eskuwela.

Nalaman na umabot na ng higit 10,000 reaction ang post ni Marco.
Nabatid na kapag may break, inilalako umano ni Magistrado sa kanyang mga ka-eskuwela sa Daraga Community College ang mga paninda niya
Kapag gabi naman, suma-sideline si Magistrado bilang gasoline boy.

Sinabi ni Magistrado, ang mga kinikita niya ay ipinapadala sa kanyang ina para matustusan ang ilang pangangailangan gaya ng pagpapaaral sa bunso niyang kapatid.

Nabatid kay Magistrado na kinakailangan na magdoble kayod siya dahil kamamatay lang nitong Setyembre ng kanyang ama, na natagpuan ang bangkay sa laot sa probinsya.

Ayon kay Editha Lodado, college dean, bilib siya sa kasipagan at determinasyon ni Magistrado. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy