Una sa Balita

College student umatake sa militar, todas

0 340

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nangyaring pag-atake ng isang estudyante sa tauhan ng militar na nagbabantay sa isang checkpoint malapit sa bayan ng Indanan, Sulu noong Lunes.

Ayon kay Maj. Arvin John Encinas, spokesperson ng Western Mindanao Command, inaalam na ang motibo ni Fersauidi Arabani, residente ng Barangay Asturias sa Jolo, sa pag-atake sa tropa ng pamahalaan na naka-duty sa checkpoint sa Barangay Kajaitan.

Batay sa nakuhang impormasyon, nangyari ang insidente dakong alas-12:45 nang tanghali. Dala umano ni Arabani ang isang bolo sa pag-atake sa militar at sumigaw ng “Allahu Akbar.”

Sinubukan umano ng mga awtoridad na pigilan si Arabani pero hindi ito huminto at nasugatan pa ang isang sundalo kaya napilitan ang kasamahan nito na paputukan siya.

Dinala na sa pagamutan ang hindi pinangalanang sundalo para magpagaling.

Nakuha kay Arabani ang sachet ng hinihinalang shabu, gayundin ang certificate of student registration kaya natukoy ito na 2nd year student ng Mindanao State University sa Sulu at kumukuha ng Bachelor of Science in Information Technology.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More