Una sa Balita

COLLAPSE IIWASAN NG CHIEFS

By
0 1

Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. û EAC vs JRU (Srs)
4 p.m. û AU vs CSJL (Srs)

Sariwa pa mula sa masaklap na pagkatalo, sisikapin ng last year’s runner-up Arellano University na kalimutan ang lahat pagharap kontra Letran ngayon sa 93rd NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Center, San Juan City.

Ililista na lang ang panalo, napalitan pa ng talo matapos maupos ang 13-point lead ng Chiefs, may 4:18 minuto na lang sa fourth quarter noong Biyernes kontra unbeaten sa 12 laro na Lyceum of the Philippines.

Lumapaypay ang balikat ng Arellano U matapos lumuhod sa Pirates, 92-94.

Sa huling 1:24 minuto, nasa unahan pa rin ang Chiefs pero tuluyan silang nag collapse matapos sumalpak ng limang sunod na puntos si LPU cager Jasper Ayaay.

“Sobrang sakit, tapos sumablay pa ako sa free throw ko,ö malungkot na saad ni Arellano star Kent Salado. ôKaya nga nauna na ako sa dugout at ædi na ako nag-Arellano Hymn. Nahiya ako sa court e.

Subalit ayon kay Salado, bilang leader ng koponan kailangan nilang kalimutan lahat upang makapg concentrate sa susunod nilang laban.

ôSiyempre, lesson learned na lang sa amin na lamang na kami, bakit pa kami nagmadali.” wika ni Salado.

Hindi pa naman laglag ang AU, kasalo nila sa seventh place ang Perpetual Help na may tig 4-7 cards, malaki pa ang tsansa nilang sumampa sa Final Four.

Pakay naman ng Knights na kumalas sa three-way tie sa fourth, hawak ang 5-6 karta, kasalo ng Intramuros-based squad ang San Sebastian College at Emilio Aguinaldo.

Magbabanatan naman sa unang laro ang Generals at Jose Rizal University sa alas-2 ng hapon.
Solo sa third spot ang heavy Bombers kapit ang 7-4 baraha.