Una sa Balita

Coleen napamura sa paghuhubo ni Kit

0 552

Humamig ng sangkatutak na like, reaksiyon ang latest Instagram post ni Kit Thompson, na sa totoo lang ay nakakaloka naman kasi talaga.

Imagine, nasa bathtub siya, nakatayo, at ang tanging nakatakip lang sa ‘nota’ niya ay ang bula ng sabon. Bula na sa unang tingin ay korteng ilong ng elepante.

“Rubber duck < Rubber elephant” ang simpleng caption ni Kit, na para sa mga beki ay waging-wagi, at nag-wish nga ang iba na sana ay naging bula na lang sila, o sabon kaya, para naman nadampian man lang nila ang pinapantasya nila kay Kit.

Siyempre, kanya-kanyang reaksiyon ang mga kapwa artista ni Kit. Tulad nga ni Coleen Garcia, na dyowa ni Billy Crawford, na napamura talaga sa katapangan ni Kit sa paghuhubo, o pagpu-post ng ganu’ng klaseng larawan.

“Wtf!” sey ni Coleen na may kasamang tatlong emoji na tawang-tawa.

Agad naman na humingi ng tawad si Kit sa bida ng pelikulang “Mia”, na si Coleen.

“@coleen hahahahaha sorry for ruining your feed!” saad ni Kit.

Hirit tuloy ni nathaniel1l: “@kitthompson yung mapapa-wtf na lang si Coleen haha.”

At siyempre, napa-comment din ang kilalang abogado, prodyuser, at director na rin na si Atty. Joji Alonzo. Si Direk Joji nga ang nagdirek sa pelikulang pinagsamahan nina Kit at Mylene Dizon, na kung saan ay buong ningning ngang ibinuyangyang ni Kit ang kanyang buong katawan.

“Sira ulo ka talaga @kitthompson! Sige ka, ilalabas ko sa director’s cut ang pinutol ko sa Belle!!!” pabiro na banta ni Atty. Joji.

Na agad ding sinagot ni Kit na, “@attyjoji naku ibang level na un Direk hahaha.”

Ivana topic ng sermon, ebanghelyo ng pari

Pero ang pinaka-bongga sa hinamig na reaksiyon ay ang simpleng komento ni Ivana Alawi. Nagkasama sina Kit at Ivana sa teleserye ng ABS-CBN na kung saan ay nagkaroon nga sila ng super matinding lampungan, na sa iWant lang nakita, dahil bawal sa telebisyon.

“Ivano is dat you hahahaha!” say ni Ivana, na parang sinasabi nga niya na si Kit ang male version niya, na super tapang sa pagpapasilip ng katawan.

“@ivanaalawi ikaw padin lodi,” sagot lang ni Kit.

At sunod-sunod na nga ang mga mensahe ng mga fan na sumawsaw sa chikahan ng dalawa. May mga humihiling na magsama sa pelikula sina Ivana at Kit.

Pero, ang mensahe ni iammardie ang nakatawag-pansin sa akin, dahil umabot na pala sa simbahan ang kasikatan ni Ivana.

“@ivanaalawi hi Miss Ivana… Share ko lang kasama ka sa homely (homily o sermon na pang-ebanghelyo) ni Father kanina sa church….hehe yung mga tao tawanan… sabi kasi nya yung mga lalaki iba2x ang nabubusyhan, ang iba manok ang iba IVANA.. heheh pati daw cla IVANA din..hahaha.”

Oh, ‘di ba? Iba na talaga ang level ni Ivana!

Teka, sino kayang pari ‘yon, at makausap nga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More