Una sa Balita

Coleen naiiyak ‘pag hindi nakikita si Billy

By
0 2,570

Kung noong nakaraang taon ay isang fake news ang na-release na pre-nuptial photos nina Billy Crawford at Coleen Garcia, ang kari-release na bagong pre-wedding photos ng dalawa ay totoo na.

Dati kasi ay kinontra ni Coleen ang naunang photos na kinunan sa Europe, pero itong mga pics nila na kinunan sa Thailand ay tahimik ang soon-to-be Mrs. Coleen Garcia-Crawford.

Parang isang inosenteng dalaga ang peg ng Kapamilya actress na naka-white dress at vine crown, samantalang si Billy naman ay naka-beige suit.

Lalamgamin nang husto ang pose ng dalawa kung saan ang bride-to-be ay nakapikit habang nakadikit ang kanyang katawan sa kanyang magiging mister at nakahawak ang kamay sa dibdib.

Si Billy naman ay emote rin habang naka-kiss ito sa kanang gilid ng ulo ng kanyang magiging asawa very soon.

Anyway, inamin na nga ni Coleen na ngayon pa lang ay ramdam na niya ang pagiging Mrs. Crawford. Nalulungkot at naiiyak na nga raw siya kapag hindi niya nakikita si Billy.

At feel niya na hindi rin siya pagbabawalan ni Billy na magtrabaho. Gusto pa rin daw niyang mag-work dahil ayaw niyang iasa kay Billy ang mga personal na panggastos niya, o pagbili ng mga luho niya.

Roxanne-Will balik-lambingan matapos maghiwalay

Ngayong tapos na ang Wildflower, mukhang mas marami nang time ulit sina Will Devaughn at Roxanne Barcelo para sa isa’t isa. Muli na namang makikita sa kani-kanlang socmed accounts ang kanilang ka-sweetan na maraming buwan ding hindi nasubaybayan ng kanilang mga tagahanga dahil naging sobrang abala si Roxie sa taping at si Will naman sa kanyang mga sariling raket. May mga chicka nga na kesyo naghiwalay na ang dalawa noon.

Kahit maraming naging sakripisyo ang dalawa para sa kanilang career, solid naman talaga ang relasyon nila kahit paminsan-minsan ay nahahaluan ng intriga.

Sa maraming love scenes ni Roxie sa nasabing teleserye, never naman daw nagselos si Will kundi super-proud siya kung gaano kagaling ang kanyang sweetheart.

Ibinigay niya ang lahat ng freedom sa kanyang dyowa, dahil matagal na niyang dream ito na magkaroon ng tatak bilang isang magaling na aktres na na-achieve naman niya sa Wildflower.

So habang wala pang project na kasunod, enjoy-enjoy ulit sila sa isa’t isa.

‘Yung tungkol sa kasal?

Huwag daw muna sa mga panahong ito kaya hindi na muna nila pinu-push.

Ang importante, kasintigas nga raw ng mga muscle ni Will ang relasyon nila, at kasinganda ni Roxie ang love nila sa isa’t isa.

Kainggit, devah?