Una sa Balita

Coleen Garcia handang makipagbugbugan kay Darna

0 498

Magiging taon ni Coleen Garcia ang 2020! Mukhang sasabak talaga siya sa sangkatutak na pelikula.

Imagine, ipalalabas pa lang ang pelikulang “Mia” nila ni Edgar Allan Guzman, heto at aakyat na naman siya sa Benguet para mag-shooting ng horror film.

At heto pa, matunog ang balita na napipisil din siya na gumanap bilang kalaban ni Darna, ha!

“Villain role? Ay hindi ko pa alam ‘yon.

“I mean I love doing kontrabida roles talaga. So, kung darating, of course, open ako riyan,” sabi ni Coleen.

“Pero wala pa talaga,” giit niya.

Aba, maganda at malaking bentahe sa “Darna” kung si Coleen ang magiging kontrabida ni Jane de Leon bilang Darna, ha! ‘Di ba nga, sa mga pelikulang “Darna”, karamihan ng mga kontrabida ay maganda talaga?

Pero sa ngayon, isang horror movie nga muna ang gagawin niya. Dalawang bata raw ang makakasama niya, at ang Viva Films ang prodyuser ng movie na ‘yon.

Anyway, sa pelikulang “Mia” ulit ni Veronica Velasco, sinigurado ni Coleen na paglabas ng mga sinehan ng mga manonood ay nakangiti lahat.

Si Edgar Allan naman ay umamin na nahirapan siya sa “Mia”, dahil puro English daw ang salita niya.

“Ang tagal ko na ring kilala si Coleen, at ngayon ko lang siya nakatrabaho. Suwerte ako na nabigyan kami ng ganitong material. Very light lang ito. Wala kaming sobrang solid na drama. Hindi kayo bibigyan ng bigat na loob. Tama si Coleen na after niyong lumabas ng sinehan, nakangiti kayo,” sabi pa ni Edgar. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More