Una sa Balita

Coleen, Billy sa April 20 ang kasal

By
0 2,062

Sa ‘Despedida de Soltera’ kamakailan ay napaiyak na nga si Billy Crawford, dahil sa sorpresang pagdating ng magulang niya mula sa Amerika.

Hindi inaasahan ni Billy ang pagdating ng kanyang mga magulang sa Pilipinas, at katunayan ay binalak nga nila na after ng kasal nila sa Pilipinas ay magpakasal ulit sa Amerika para makasama ang kanyang mga magulang.

At sa Pilipinas Got Talent nga last Sunday night, ini-announce ng co-host ni Billy na si Toni Gonzaga ang nalalapit na kasal ng binata kay Coleen.

“Nais din naming i-congratulate at sasamahan na rin natin ng best wishes dahil sa darating na Biyernes (April 20) na po ang inaabangang kasal nina Billy and Coleen. We celebrate your life and your union,” sabi ni Toni.

Sa tinagal-tagal ng kuwento tungkol sa kasal na ito nina Coleen at Billy, ngayon lang nakumpirma na sa April 20 na ang kasal nila.

“Sa lahat ng nagmamahal sa amin ni Coleen, we really just want to say thank you. And thank you, Lord. I’m ready for this new journey for me,” sabi pa ni Billy.

Anyway, unti-unti na ngang pinasisilip nina Coleen at Billy ang palasyo nila na binuo kasama ang mga magiging anak nila. At sa latest post ni Coleen, marami nga ang kinilig.

“Your happiness is my happiness, now and forever,” sabi niya sa photo ni Billy na lumuluha ito.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More