Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cole pabibo sa Yankees

0 14

MATIKAS na kinamada ni starting pitcher Gerrit Cole ang six innings para giyahan ang New York Yankees sa 9-6 panalo kontra Minnesota Twins Miyerkoles ng gabi sa Minneapolis.

Pinalipad ni Giancarlo Stanton ang dalawa sa apat na home runs ng Yankees.

Walang binigay na walk si Cole bagama’t nalusutan ng dalawang solo homers nina Jorge Polanco at Miguel Sano.

Kumana si Polanco ng two-run shot sa four-run ninth para sa Twins, pero umpisa pa lang ay kontrolado na ni Cole at ng Yankees ang laro.

Naka-tig-isang homer pa sina New York sluggers Aaron Judge at Miguel Andujar mula kay Twins starter Randy Dobnak.

Dalawa sa siyam na strikeouts ni Cole ay niregalo kay Josh Donaldson.

Kelan lang, nagreklamo ang Minnesota third baseman na posibleng naglalakay ng sticky substance sa daliri ang pitchers, kasama si Cole, para mas madikit ang kapit sa bola. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.