Una sa Balita

Cold and unaffectionate husband (4)

By
0 107

Dear Dr. Holmes: (shortened Oct. 28 letter)

I am living with my bf for almost 2 yrs. we still don’t have a child. He is 41, I am 35. old.

He is cold like ice. He only cares for his properties and gadgets. We only sleep together but without any touch or romance. Since the time we started to live together he never told me that he loves me.

He faced trials and complicated circumstances financially, been harassed by two of his ex girlfriends, had health problems like his hernia still i stayed.

All of this hurts me a lot and i feel am gonna blow my top anytime.

Now, he shouted at me and blames me with everything. Even in small things he kept pointing his finger on me. I felt so much pain now. I am trying to understand the situation. But at the same time i am almost giving up.

Pls., help me. Doc. Thank you. Camille

Dear Camille:

Maraming salamat sa sulat mo na pinublish natin nang buo noong nakaraang Sabado, Oktubre 28. Sa huling kolum ko nong nakaraang Huwebes, Nobyembre 02, sinabi ko na mayroon lamang isang paraan na magbago ang situwasyon mo sa bf mo.

Hindi ibig sabihin na may garantiya na babait siya sa iyo, pero may garantiya na babago ang situwasyon (dahil, kung hindi siya magbago, iiwanan mo siya).

Pero, ang kaiba­han kapag sinabi mo ito sa kaniya ay may posibi­lidad nga na matanto niya kung ano ang mawawala sa kaniya kung umalis ka.

Kung ipagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa—iyak, reklamo, iyak, reklamo—si­guradong hindi siya magbabago. Nasanay na siya sa mga ‘tactics’ na ganito, Camille, so walang mangyayaring iba.

Pasensiya ka nalang sa aking pagna-‘nag’ sa iyo, dearest Camille, pero ito ang pinakamahalaga: kailangan masasabi mo lang ito kung handa mo siyang iwanan. Kung hindi mo magawa ang sinabi mo, magiging balewala kahit anumang sabihin mo pagkatapos nito.

Kung sakaling subukan mo ang aking mungkahi, hindi ito magtatapos sa iyong pag-iwan sa kaniya (kung sakaling ‘di siya magbago).

Kailangang hindi ka babalik hanggang siya ang lumapit sa iyo hanggang mangako siya na magbabago siya. So far so good.

Ang huling patakaran ay, kung sakaling bumalik siya sa dati, (na kadalasang susubukan niya—kasi sa aking karanasan bilang sikolohista, ‘yan ang ginagawa ng mara­ming mga lalake) handa ka ring umalis uli at huwag nang bumalik.

Mahirap, alam ko, dearest Camille, pero mas mahirap manatili sa klaseng buhay mayroon ka ngayon. Ingat at good luck—MG Holmes