Una sa Balita

Cojuangco suko sa puwesto ni Vargas

0 262

Hugas-kamay si Equestrian Association of the Philippines president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. , wala aniya siyang interes na bawiin ang Philippine Olympic Committee presidency.

Hinayag ni Cojuangco ang posisyon sa harap ng ilang mi­yembro ng POC board na nanawagan ng execu­tive meeting kay POC president Ricky Vargas, ang boxing association president.

Mayorya aniya ng national sports associations ang kumukuwestiyon sa “mishandling” ng papel ng POC sa preparasyon ng bansa para sa hosting ng 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nov. 30-Dec. 11.

Higit limang buwan na lang bago ang Games, pero ‘di pa nagpu-full blast ang preparasyon. May kinalaman ito sa Phisgoc Foundation, Inc. na tinatag ni Vargas. Iba ito sa Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) na binuo at inaprubahan ng POC Board noong si Cojuangco pa ang POC president bago tinalo ni Vargas sa court-ordered election noong March 2018.

Tinanguan na ni Vargas ang panawagan ng POC Board na magkaroon ng executive mee­ting sa Martes.

Giniit ni Cojuangco na ‘di power grab ang agenda ng meeting.

“My name was always mentioned, but I am not interested in the POC presidency,” ani Cojuangco. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy