Una sa Balita

Mabuhay ka, Ka Daniel Razon!

By
0 1,544

TINALO ng N­CAA Arellano Chiefs ang MLQU team sa Got Skills tournament noon­g Huwebes sa Holy Trinity College­, Quezon City. Kasu­nod din nito ang pa­­mamayani ng koponan kontra LPU Pirates sa FilOil Basketball tournament.

***
Sa kwentong PBA Legends naman naglaro kami sa Baliuag, Bulacan at na kasama natin muli sina Eric ‘Major Pain’ Menk, Allan ‘The Trig­german’ Caidic, Noli ‘Tank’ Locsin at Alvin ‘The Captain’ Patrimonio.

Gayundin, nagkita-­kita ulit ang Le­gends na tinatawag ding Malolos Agilas­ ni Mayor Christian Natividad sa Bagac, Bataan. Nakalaban nila ang Bagac All Stars. Nagpahanda din ng dinner para sa Legends ang dating alkalde ng Bagac na si Mayor Del Rosario.

***
Para sa update ng bagong tatag na ­Samahan ng Dating Propesyonal na Basketbolista ng Pilipinas. Maraming mga plano ang grupo para makatulong sa mga kapus-palad na da­ting mga manlalaro.

Ang unang plano ay ang pagtulong sa batch 1975 hanggang batch 1990. Partikular na sa aspektong medikal, atbp.
Ang pagsasagawa ng mga fund raising event. All star games, at pag-tie up sa iba’t ibang advertising events at marami pang iba ang pinag-uukulan ng pansin ng ating grupo.

***

Mabuhay ka, Ka Daniel Razon! Isa ka sa mga bumuhay sa pagkaloob ng P2 mily­ong tulong (as in seed money sa grupo) at matagal nang numero unong supporter­ ng PBA. At hindi rin matatawaran ang mga napakaraming programa ni Kuya Daniel na handang tumulong sa kanyang kababayan.

Si Kuya Daniel din ang isa sa mga nagpaliga sa mga LGU na ang layunin ay mapag-isa niya sa UNTV Cup. Hanggang ngayon patuloy ang pagsali ng iba’t ibang sangay ng gobyerno. Ang mga bumubuo ng UNTV Cup ay si­yempre si Boss Gerry Panghulan, Mae Ramos at Ryan Ramos.

***

May malaking­ po­sibil­idad na mag­laro ang anak ni Tower of Power Benjie Paras na si Andre para sa Imus Bandera sa umaalagwang Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Konting bagay na lang ang pinag-uusapan at matutuloy na rin si Andre sa Team Imus.