Una sa Balita

Coco, Yassi sinisi sa abusadong cong

0 328

UMUSOK ang galit ng mga netizen laban kay Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos matapos kumalat ang video nito na nanapak ng isang service crew sa isang restaurant sa Legazpi City, Albay.

Nadamay pa sa galit ng mga netizen ang aktor na si Coco Martin at leading lady niyang si Yassi Pressman dahil sa inendorso nila si Delos Santos at ang Ang Probinsyano Party-list sa nakaraang halalan.
“So where’s the celebrity who sold this partylist to the viewers of his soap opera? HE SHOULD TAKE RES­PONSIBILITY FOR PUTTING THIS MAN IN CONGRESS.#AngProbinsyano#CocoMartin,”tweet ni katrinastuartsantiago@radicalchick
“Yan lumabas na ang ka inutila nya taga plano ng batas tapos di alam ang batas paano.e apply sa buhay nya naging tanga na. Kala mo kung cno igapos na yn at ipagulpi sa mga tauhan ng restu para malaman nya,” ayon kay Alexander Zembabue.
“Iho paalala lang priviledge ang pagiging representante hindi yan karapatan. Dapat hindi ka binibigyan ng kahit anong pwesto kahit janitor gago!” giit ni JVee Oraza.
“Kung ako lang ang sinuntok mo ay nko yari ka rip,” banta ni Leonardo Tiempo Balaba.
Isa pa ang nagsabi na tila nagaya umano nito si Cardo, ang karakter na ginagampanan ni Coco Martin sa teleseryeng Ang Probinsyano.
“Feeling cardo si cong,” sey naman ni Dexter Pabebedog.
Maging si dating Magdalo Rep. Ashley Acedillo, naglabas ng komento sa ginawa ng kongresista.
“THIS IS THE KIND OF NEWS THAT MAKES YOUR BLOOD BOIL,” diin ni Acedillo na pinakita pa ang balita at video ng politics.com.ph. hinggil sa ginawang pananapak ng kongresista.
Lumabas ang blotter report ng isang nagngangalang Christian Kent Alejo, 20, residente ng Legazpi City, na nagreklamo sa pananapak sa kanya ni Delos Santos sa Biggs Diner.
Paliwanag ni Alejo, nalalabuan pa din siya kung bakit siya sinuntok ni Delos Santos na nangangamoy alak umano noong mangyari ang insidente.
Inaayos lang umano ni Alejano ang placemat sa mesa ng pinupuwestuhan ng kongresista at iba pa nitong kasamahan sa loob ng nasabing restaurant nang bigla siyang pagsabihan ni Delos Santos na masama umano siya kung makatingin.
“Nata maraoton ka makailing (Bakit ang sama mong makatingin),” sabi ng kongresista kay Alejo sa wikang Bicolano.
Tinawag, aniya siya ni Delos Santos, at nang bumalik sa may mesa ng kongresista, sabay inumbahan siya ng sinuntok.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy