Una sa Balita

Coco, Yassi nakakakilig ang ‘honeymoon’ sa London

By
0 3,288

Mabuhay ang ba­gong kasal! ‘Yan ang si­gaw ng lahat sa mu­ling pagpapakasal nina Cardo (Coco Martin) at Alyan­a (Yassi Pressman) sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Hindi tulad nu’ng una nilang kasal, simple lang ang naging se­lebrasyon ng mu­ling pag-iisang dibdi­b ng dalawa.

Pero siksik naman sa kilig ang madamdaming eksena­, partikular na ang pag­papalitan nila ng wedding vows, kung saan sinariwa nila ang ka­nilang mga pinag­daanan.

“Cardo, napakara­ming pagsubok na ‘yung dumating sa atin. Akala ko hindi na natin mababalik itong pagma­mahal na ito. Hindi ako makapaghintay na makasama ka kasama ng bago nating pamilya. Ikaw ang buhay ko,” naiiyak na sabi ni Alyana.

“Alyana, maramin­g maraming salamat sa pagmamahal at sa pagtitiis mo sa akin. Salamat sa paghihintay sa walang kasiguraduhan. Nandito ka pa rin, at tinanggap ako nang buong-buo. Hindi ko makakaya ‘pag nawala ka sa buhay ko,” sagot naman ni Cardo.

Siyempre, nag­kagulo rin ang mga netizen sa nakakakilig na mga eksena. Marami ang nagsabing naniniwala na sila sa forever dahil sa pagmamahalan nina Cardo at Alyana. May iba naman na naghahangad na mahanap na rin ang kanilang Mr. Right.

Anyway, nasa London nga ngayon sina Coco at Yassi para sa The Filipino Channel show roon. Kasama nila sina Lito Lapid, John Prats, at marami pang iba.

Kaaliw nga ang nakita naming video na sabay nag-perform sina Coco at Lito, ha! For the books nga raw ‘yon dahil makalipas ang ilang dekada, ngayon lang ulit napapayag si Lito Lapid na mag-perform, sumayaw, kumanta, at sa London pa naganap ‘yon, ha!

Siyanga pala, makikita rin ang harutan nina Coco at Yassi, lalo na sa mga pictorial nila sa magagandang garden sa London. Mukha nga silang nagha-honeymoon sa London, dahil sa ma­gagandang eksena nila na pinakikita nila sa social media.

Pero mukhang hindi magtatagal ang saya da­hil hindi ikinatuwa ni Tanggol (Joross Gamboa), isa sa mga bandido, ang balitang kasal na si Alyana. Guma­gawa na rin si Marco (JC Santos) ng paraan para mahanap si Alyana.

Paano nga ba ma­lalampasan nina Cardo at Alyana ang mga pa­rating na pagsubok? Tutukan ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ gabi-gabi sa Primetime Bida.