Una sa Balita

Coco, Yassi magpapakilig sa Naga City

0 380

Samantala, hindi nagtatapos sa GenSan ang paghahatid ng saya at pag-ibig dahil biyaheng Naga City naman ang Kapamilya Karavan para sa Penafrancia Festival kasama ang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano”. Abangan sina Coco Martin, Yassi Pressman, Basilyo, Smuglazz, PJ Endrinal, at Empoy sa Setyembre 28, 4 pm sa SM Naga City open parking area, o kaya ay panoorin ang programa sa livestreaming sa Choose Philippines YouTube channel.

Mapapanood din ang pinakamalalaking kaganapan sa Penafrancia Festival sa telebisyon sa ABS-CBN Naga, kabilang ang Regional Military Parade nu’ng Biyernes (Setyembre 20) ng 10 am, 2 pm, at 4 pm. Ipapalabas din ang Fluvial Procession sa Sabado (Setyembre 21) ng 3 pm, na may livestreaming din sa Choose Philippines YouTube channel.

Ang Kapamilya Karavan ay programa ng ABS-CBN Regional na nagpapalapit sa Kapamilya stars sa kanilang fans tuwing fiesta at selebrasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy