Una sa Balita

Coco, Yassi magkasama sa dinner

0 794

abante-anything-goes-jun-lalinUm-attend si Coco Martin sa thanksgiving dinner ng party-list group na Ang Probinsyano na sinuportahan niya noong mid-term elections.

Nasa event ding ‘yon si Yassi Pressman na mas naunang duma-ting sa Crowne Plaza Hotel.

Bago pa dumating si Coco ay may nagsabi na sa akin na hindi magpapa-interview ang bida ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” kaya kahit lumapit at yumakap sa akin ang aktor habang live ako sa Abante News Online sa Facebook, hindi ko na siya tinanong pa ng kahit na ano bilang respeto na rin.

Si Yassi ang tinanong ko tungkol sa dating co-star nila na si Eddie Garcia na “in deep sleep” pa rin sa Makati Medical Center. Sinabi ni Yassi na ipinagdarasal nila ang veteran actor.

Matagal ding nakasama nina Yassi at Coco sa series nila si Mang Eddie, kaya emotionally affected ang cast and staff ng nasabing series sa nangyari sa veteran actor.

Eddie Garcia sama-samang pinagdarasal ng ‘Ang Probinsyano’ cast

Nakatsikahan ko rin sa event na ‘yon ang beauty queen/actress na si Bianca Manalo at sinabing sa Viber group nila ng mga taga-FPJ’s Ang Probinsyano ay nag-a-update sila tungkol sa kalagayan ni Mang Eddie.

Ipinagdarasal nga raw nila ang veteran actor na sobrang bait daw sa kanila. Sinabi rin ni Bianca na huwag gumawa ng kung ano-anong balita tungkol sa kalagayan ni Mang Eddie.

Marami kasi ang nagpapakalat talaga ng mga maling balita at ang iba ay pinalalabas pa na wala na ang vete-ran actor.

Sabi pa ni Bianca, sana raw ay ipagpatuloy pa ang pagdarasal para sa paggaling ni Mang Eddie.

Samantala, tinanong ko rin si Bianca tungkol sa sinasabing relasyon nila ni Senator Sherwin Gatchalian at nagulat siya. First time raw siyang matanong tungkol doon at hindi nga siya nagsalita talaga.

Pero hindi naman niya ikinakailang nagkikita sila. Hmph, hindi pa pala sila open sa sinasabing relasyon nila kahit madalas na nakikitang magkasama sila, huh!

Anyway, hindi naman maide-deny ang bagay na ‘yon dahil common friends na rin naman nila ang nagkukuwento tungkol sa bagay na ‘yon!

Saka bagay sila!

Salamat sa Abante – Ong

Anyway, kinongratulate ko ang second nominee at ngayon ay congressman-elect na ng Ang Probinsyano party-list na si Ronnie Ong. Nagpasalamat si Ronnie dahil isa ang Abante sa mga tumulong na mai-promote ang Ang Probinsyano party-list.

Nag-guest din si Ronnie sa “Anything Goes” online show ko sa Facebook page ng Abante News Online. Siyempre, sobrang thankful si Ronnie kina Coco at Yassi na napakaraming probinsyang pinuntahan para maikampanya ang kanilang party-list.

Makikiisa nga ang Ang Probinsyano party-list sa mga bill na balak gawin ni Congressman-elect Dan Fernandez na makakatulong sa ating local movie industry.

Isusulong nga ni Cong. Dan ang sinasabing gawing Friday ang opening day ng mga pelikula at hindi puwedeng i-pull out sa mga sinehan ang pelikula sa loob ng tatlong araw, pero sabi niya, gusto niyang gawing one week dapat hindi puwedeng i-pull out ang Tagalog movies.

Maraming kapwa niya taga-showbiz sa Kongreso like Vilma Santos-Recto, Alfred Vargas, Yul Servo, Lucy Torres-Gomnez at iba pa, kaya makikipag-usap daw siya sa mga ito para lalo pa silang makatulong sa local movie industry.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy