Una sa Balita

Coco umatras, ‘di kinaya ang power ni ‘Tisoy’

0 555

Si Tisoy lang pala ang puwedeng makapagpatumba, makapagpaatras kay Coco Martin, o kay Cardo Dalisay ng “FPJ’s Ang Probinsyano”, ha!

Last week (Friday) nga ay nag-imbita ang Corporate Communication ng ABS-CBN na sina Kane Choa, Arron Domingo, para sa event ni Coco. May magandang ibabalita raw ang Primetime King ng Dos.

“Dear Kapamilya, we’d like to invite you to the grand media conference of FPJ’s Ang Probinsyano with Coco Martin on Tuesday (December 3, 2019) 12PM at Dolphy Theater, ABS-CBN. See you there. Thanks!”

Sinundan din ito agad ng isa pang chat/text nu’ng Lunes, para ipaalala ang bonggang event na ito. Para ngang may bonggang paandar talaga si Coco, ha!

“Kapamilya Reminder: Bukas ng 12PM na ang grand media conference ng FPJ’s Ang Probinsyano kasama si Coco Martin at mga cast member. See you there. Thanks.”

Nu’ng nakatsikahan ko na sina Arron at Kane, binanggit nga nila na may magandang announcement si Coco, kaya dapat ay hindi kami mawala sa pasabog na ‘yon.

Pero, nagbago nga ang lahat, dahil kay bagyong “Tisoy”. Dahil kahapon nga, bigla silang nagpadala ng mensahe:

“POSTPONED po ang grand media conference today ng FPJ’s Ang Probinsyano due to the intensified weather outlook issued by PAGASA. We will update you on the new schedule. Keep safe Kapamilya!”

Well…

Maine, Arjo lovebirds in Disneyland ang peg

Lovebirds in Disneyland nga ang peg nina Maine Mendoza at Arjo Atayde, ha! Well, habang nananalanta si bagyong “Tisoy” sa Pilipinas, hayun nga at nagpapakaligaya naman si Maine sa Disney California Adventure Park.

At siyempre, sino pa ba ang kasama, kundi ang tisoy na dyowa niya, si Arjo Atayde.

Well, hindi man sila mag-post agad ng mga picture na magkasama talaga sila, o tipong super selfie sila habang nagliliwaliw, obyus naman na sa mga IG story nila, masayang-masaya sila na magkasama, ha!

May IG story si Arjo na dalawang pares ng paa/rubber shoes na naglalakad, at ganu’n na ganu’n nga ang suot na shoes ni Maine.

At sa isang IG post ni Arjo, na ibang tao siyempre ang kumuha, makikita ang mukha niya na nakasuot ng shades, at may caption na, “Distracted. She cute.”

Kung mahina-hina ka, maguguluhan ka, dahil wala namang ibang kasama sa photo niya si Arjo. Pero, try mo na i-zoom ang photo, mukha ni Arjo, at titigan mong mabuti ang salamin na suot niya, at presto, makikita mo ang mukha ni Maine, na nakasuot nga ng kulay pink na jacket, na suot nga niya sa mga IG post niya.

Well, mukhang tanggap na rin naman ng mga fan ang sitwasyon nina Maine at Arjo, at payo lang nila sa dalawa ay mag-enjoy sa pamamasyal, dahil deserved nila ‘yon.

Although may mangilan-ngilan na galit na galit pa rin, na sinusumbatan pa rin si Maine na kesyo taksil, at kung ano-ano ang masasakit na sinasabi tungkol sa kanya, dedma na lang sila, at ang mga netizen, fan na rin ang rumeresbak para sa kanilang dalawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More