Una sa Balita

Coco type tularan ng anak ni Sharon

0 2,060

Nakikita raw ni Sharon Cuneta ang leaning ng kanyang anak na si Miguel sa pag-aartista. Sinasabi raw nito, at nakikitaan na niya ng senyales na papasukin din nito ang mundong pinasok niya simula noong bata pa siya.

Hindi naman daw niya pipigilan ang kanyang anak na gawin ito, pero ang gusto nga niya ay matapos muna nito ang kanyang pag-aaral.

Kung sakali raw na mag-artista ito, gusto niyang maging mala-Coco Martin ito bilang isang aktor.

Paborito nga ng buong pamilya ang Kapamilya King of Primetime, kaya malaki ang impluwensiya nito sa kanyang anak na lalaki. Ganun din daw ang kanyang anak na si Miel na parang siya lang daw.

May boses din naman, pero ang pagi­ging artista ang ramdam niyang tatahakin din nito someday, unlike sa Ate nitong si Frankie na sa music talaga nakalinya.

Pagdating daw sa kantahan, si Frankie ay may low register katulad ng kanyang amang si Sen. Kiko Pangilinan, samantalang si Miel naman ay kasintimbre ng boses niya.

Aba kapag natuloy ito, dagdag sa royalty of showbiz families ang kanyang mga anak, noh!

At siyempre, welcome na welcome din sila katulad ng ating Megastar at anak nitong si KC Concepcion.

‘Yun na!

Alexa Ilacad masigasig sa pag-aaral

Kaka-proud din itong si Alexa Ilacad na sa kabila ng pagiging abala nito sa kanyang pagi­ging aktres, marami ring proyekto ay nagawa pa rin nitong tapusin ang kanyang senior high school na regular school class at hindi homestudy or tutorial basis.

Sa kanyang post ay isinalaysay nga niya ang kanyang journey bilang isang estudyante hanggang makatapos siya sa Treston International College at ngayon ay handa na siyang sumabak sa kolehiyo.

We feel her sa kuwento niya kung paano siya nakatulog sa kanilang gymnasium dahil sa sobrang pagod, ang pagka-cramming niya during exams at ang pagwo-worry kung maipapasa ba niya ang kanilang school assignments and projects dahil sa pagiging abala rin niya sa tapings at iba pang raket.

May pagkakataon pa nga raw na pumasok siya na curly-curly pa ang hair niya dahil galing siya sa taping tapos tatakbo pa siya sa isang event.

Pero, dahil na rin sa kanyang sipag at tiyaga, determinasyong makatapos ng senior high school, aba, nahawakan din niya ang kanyang pangarap na diploma.

Siyempre, nagpapasalamat siya sa mga teacher na naintindihan ang kanyang kalagayan, sa kanyang parents na hindi siya hndi siya nakaramdam ng pressure for high grades at sa mga kaibigan niyang naging supportive sa kanya.

Congrats Alexa!