Una sa Balita

Coco, ‘The Voice Kids’ wagi sa puso ng sambayanan

0 442

Mas tinutukan pa rin ng mga manonood sa buong bansa ang balita at nakakapukaw na mga palabas ng ABS-CBN matapos makakuha ito ng average audience share na 45%, o 14 points higit sa 31% ng GMA, ayon sa datos mula sa Kantar Media.

Nangunguna pa rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” (34.9%) na nagdiriwang ng ika-apat na taon sa telebisyon. A yaiksw talagang paawat ni Coco Martin.

Ang hit reality singing TV competition na “The Voice Kids” (34.2%) naman ang nangunang TV show tuwing Sabado’t Linggo, habang ang action-drama na “The General’s Daughter” (32.2%) ay nanatiling isa sa pinakapinapanood na palabas ng mga Pilipino.

Kasama sa listahan ng most-watched shows noong Setyembre ay ang “Wansapanataym” (30.6%), “Parasite Island” (30.4%), “Maalaala Mo Kaya,” (29.2%), “TV Patrol” (27.6%), “Home Sweetie Home: Extra Sweet” (25.8%), at “Rated K: Handa Na Ba Kayo?” (23.7%).

Samantala, nagwagi rin ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks noong Setyembre, sa pangunguna nito sa primetime (6:00 PM-12:00 MN) kung saan nagtala ito ng 47% share, kumpara sa 33% ng GMA; sa afternoon block (3:00 PM-6:00 PM) kung saan nagtala ito ng 48%, kumpara sa 32% ng GMA; sa noontime block (12:00 NN-3:00 PM) kung saan ito nagtala ng 48%, kumpara sa 29% ng GMA, at sa morning block (6:00 AM-12:00 NN) kung saan naman nagtala ito ng 37%, kumpara sa 29% ng GMA.

Nagwagi rin ang Kapamilya network sa Metro Manila matapos makakuha ng 41% share, para talunin ang 25% ng GMA. Sa Mega Manila naman, nakakuha ang ABS-CBN ng 36%, habang ang GMA ay nakakuha ng 32%.

Sa Total Luzon, nakuha ng ABS-CBN ang 41%, laban sa 34% ng GMA. Nakuha naman ng ABS-CBN ang 57% sa Total Visayas, upang talunin ang 24% ng GMA; at 51% sa Total Mindanao para talunin ang 28% ng GMA.

Gamit ng multinational audience measurement provider na Kantar Media ang nationwide panel size na 2,610 sa urban at rural homes na kumakatawan sa 100% ng total Philippine TV viewing population.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy