Una sa Balita

Coco super like sa mga ‘Cain at Abel’ post

By
0 1,125

Masaya ang bumubuo ng bagong Kapuso primetime series na Cain at Abel dahil sa magagandang reviews sa pilot pa lang ng pinagbibidahang serye na ito ng dalawang ‘hari’ ng GMA, sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Natuwa raw ang lahat dahil sa mga positibong komento ng netizen at sa mga nagandahan sa pilot. Nagustuhan din namin na sa halip na the usual na nagsisimula ang isang malaking serye na mga bata ang ipinapakita, sinimulan nila ito na sina Dingdong at Dennis na at flash back lang ang kabataan nila.

Now, ang nagiging point of argument ay ang hindi raw natalo pa rin ng Cain at Abel in terms of rating ang katapat nitong serye na Ang Probinsyano. Mukhang mabibigo lang ang ilan na gustong gawan ng isyu ang dalawang serye dahil sa pagiging phenomenal sa ratings ng A.P. sa loob ng tatlong taon, umere ang Cain at Abel na wala sa ganitong goal.

I think, nandoon sila na kalidad ang maibigay na programa pero hindi naman nangangahulugan na kulelat sa ratings. Double digit pa rin ang pilot ng Cain at Abel at nanguna sa ratings in terms of Kapuso’s primetime series. Nag-trending din ito at pinag-usapan at karamihan ng komento, para raw silang nanood ng pelikula.

Sa mga detractors, bakit hindi kaya tularan ang pagiging positive pare-pareho ng mga bida ng dalawang magkatapat na primetime series? 

Saludo kami kay Coco na totoo namang nagla-like ng mga pino-post ng mga Instagram friend niya about his rival show. It only means, alam nito na wala na naman siyang kailangan pang patunayan.

At nakakatuwa rin na tulad ni Dennis, in-acknowledge at pinasalamatan si Coco sa mga pagla-like nito sa post niya.

Doppelganger ni Yasmien gumagala sa GMA compound

May doppelganger ba ang Kapuso star na si Yasmien Kurdi? Hindi maiwasang matakot ni Yasmien dahil sa narinig niyang kuwento mismo sa kanya na may nakakita raw sa kanya noong isang araw sa GMA-7 when in fact, wala siya sa network that day.

Ipinost ni Yasmien sa kanyang Facebook account na, “May nakakita daw sakin kahapon sa GMA Annex ? kamukha ko daw! Di po ako yun … wala ako sa GMA kahapon yay! wala ako ngayon sa Metro Manila since yesterday… out of town po kami… scary doppelganger ??natakot ako sa kinwento sakin kanina sa phone…”

Isa sa nag-reply kay Yasmien ay ang kapwa niya StarStruck avenger na si Nadine Samonte na siya rin daw, nangyari sa kanya yun sa elevator naman daw ng GMA siya nakita at nakipagbeso pa raw siya at nang ipa-describe raw niya ang damit, may ganun daw talaga siyang damit. Siyempre, natakot din si Nadine at sinabihan si Yasmien na mag-ingat.

Sabi nga ni Yasmien, “First time nangyari sa akin ‘to, scary.”

Naku, baka naman isipin ng iba doppelganger lang din ni Yasmien ang gumanap sa pilot episode ng Cain at Abel huh?! Isa sa pinuri rin nang husto ng netizen si Yasmien dahil sa pagganap nito bilang batang Belen na mga ina ng mga batang Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Maging si Dingdong, napa-post pa at pinuri si Yasmien. Sey ni Dingdong, “Hi Yas! Gusto ko lang sabihin na napakahusay mo sa inyong pagganap sa Cain at Abel. Grabe ang kapit ko sa iyo. Bravo!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy