Una sa Balita

COCO, ‘STALKER LEVEL’ KAY MARIEL DE LEON!

By
0 2

Hindi raw iniisip ng Binibining Pilipinas-International 2017 na si Mariel de Leon ang pressure sa nalalapit niyang ­pag-compete sa Japan sa November.

“I don’t think about the pressure. I’m the type of person na ­super chill lang. And whatever happen, happens. I’ll just accept it.”

Tinanong namin si Mariel nang bigla siyang mag-ingay sa Twitter o sa social media nang magbigay siya ng mga opinyon niya noon na may kaugnayan sa pulitika, partikular na rin kay Mocha na maraming nagulat na may ganun pala siyang side.

Pero sa mga taong kilala raw siyang talaga, hindi na na-surprised ang mga ito.

“I’ve been like this since before. I guess, people we’re shocked kasi they have this certain image about me porke’t beauty queen, dapat mahinhin or she shouldn’t talk.

“But not because I’m a beauty queen, I will change myself.”

Nakita naman daw niya na kung may mga nagulat o nang-bash man sa kanya noon, marami rin ang naka-appreciate sa pagiging firm niya sa opinyon niya.

Anyway, nakaka-2 shooting days na raw si Mariel para sa Ang Panday. At bago raw siya umalis, naniniwala itong tapos na siya ng shooting lalo na at may deadline nga naman ng mga entries for MMFF.

At kung nagulat man daw ang karamihan na siya ang ­naging choice ni Coco Martin na maging leading lady, siya rin daw, ­nagulat.

“Well kahit ako, bakit ako of all the girls? Pero it’s a blessing. I shouldn’t question it. And I shouldn’t question Coco’s choice kasi, he knows what he’s doing and he knows what he wants.”

Actually, naaliw kami sa kuwento ni Mariel sa revelation sa kanya ni Coco. Napanood daw kasi siya nito sa Magandang Buhay at bago pa ‘yun, pina-follow na siya nito sa Instagram.

Natawa ito nang hiritan namin na stalker pala niya si Coco.

Bisi-bisihan nga si Mariel ngayon dahil bukod sa ­preparation niya para sa Miss International, isinasabay niya ang pagsu-­shooting ng Ang Panday. At bukod pa ang ilang activities nila sa Binibining Pilipinas.

Silang mga title holder ngayon ng Binibini ang ambassadors ng Pizza Hut at kahit mga conscious sa kanilang katawan,­ipinakita nila kung paano nila ine-enjoy ang pagkain ng pizza sa bagong ­bukas na Pizza Hut sa SM MOA.

At ang naturang branch ang maituturing na pinakamalaking branch ng Pizza Hut sa bansa ngayon.