Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coco pinayuhan sa relasyon: Sharon nagulantang sa inamin ni Julia

0 197

Sobrang excited na si Sharon Cuneta na sumabak na sila sa taping ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. Gustong-gusto na nga raw niyang makasama ang mga beteranong artista na nakasama na niya noon, at mga bagong artista na naging kaibigan din niya ngayon.

Looking forward na si Sharon na makaeksena si Tomy Abuel.

“I worked with him with so many movies, nung bata pa ako,” sabi ni Sharon.

Rebelasyon pa ni Sharon, si Tony nga raw ang gumawa ng mga linya ni Cherie Gil sa pelikula nila noon na ‘Bituing Walang Ningning’ na ‘You’re nothing, but the second rate trying hard copycat’.

“Siyempre, gusto kong makasama si Michael de Mesa. Si Kuya Pipo (Tirso Cruz III).

“Old friend like John Estrada, and also Ara Mina. New friend like Osang (Rosanna Roces).

“And si Rowell (Santiago) siyempre, since i was 16 katrabaho ko na siya. Director ko siya mostly, pero ngayon lang kami mag-a-act ulit.

“Siyempre, excited na akong makasama sina Coco (Martin) and Julia (Montes). ‘Yung mga hindi ko pa nakakaeksena, gusto kong makasama.

“Sana meron din kami ni Lorna, ni Ate LT. Ang tagal na noong movie namin.

“Sabi ko nga, kung titingnan niyo ang cast, at kilala niyo ako, alam niyo na mga nakasama ko na sa kanila ang iba. Pero siyempre si Coco, looking forward talaga ako, kasi siya ang hindi ko pa nakakaeksena.

“Of course, nakakakilig na naisip ka ni Coco, pinagtuunan ka ng pansin. Binigyan ka ng importansiya,” sabi ni Sharon.

Gulat na gulat din si Sharon sa rebelasyon, kuwento, o inamin sa kanya ni Julia, ha!

“I got to talk to her kanina. What a beautiful girl.

“Sabi niya, sa Caregiver raw nakasama ko siya, talent daw siya doon. “Sabi niya, ‘nandun po ako’. Sabi ko, ha, saan ka?’ ‘Yung kunyari uutusan daw siya ni John.

“Sabi niya, inalagaan ko raw siya.

“Parang noong kinukuwento niya kanina, so touching. Na things like that, stay with people na hindi mo alam, magiging Julia Montes pala siya.

“So, I’m very happy na makakasama ko siya ngayon,” emosyonal na sabi ni Sharon.

May tanong kay Sharon kung ano ang maipapayo niya kay Coco, pagdating sa personal na buhay nito?

“Seeing kanina ‘yung staff, mga director, mga artista, lahat love na love siya, kasi family sila. That’s one thing na naa-appreciate ko agad.

“Like I said, I admire him and thankful to him na ‘yung legacy ni FPJ, pinagpapatuloy niya.

“Sa personal life, I’m not in that position… Pero if anything, keep it up. Whatever you wanna share, it’s your prerogative. Good for you!” sabi lang ni Sharon. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.