Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coco, pinatigil taping para kay Lora Flora

0 286

Noong Saturday na ka-chat ko si Richard Gutierrez sa WhatsApp at nabanggit niyang luluwas ng Maynila ang cast ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ para pumunta ng burol ng yumaong Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces.

May mass daw mamaya, kaya nagdesisyon ang cast and staff ng nasabing action-drama series na itigil muna ang kanilang lock-in taping sa Ilocos Sur para makapunta nga sa burol ni ‘Lola Flora’ ang character ni Manang Inday (paboritong tawag kay Ms. Susan) sa seryeng ‘yon ng ABS-CBN.

Malamang daw na ngayong araw na ito babalik ng Ilocos Sur ang mga taga-‘FPJ’s Ang Probinsyano’ (marahil ay bukas ang taping uli nila kung hindi mababago ang unang plano).

Kuwento sa akin ng isang nakakaalam, 5:00pm ang mass kagabi kasama ang cast and staff ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. Aabutin daw doon sina Richard, Coco Martin at iba pa ng hanggang 7:00pm bago buksan sa public ang viewing ng lamay ni Manang Inday.

Eddie mami-miss ang ka-love team

Dalawa sa mga nakiramay noong Saturday night sa burol ng mga labi ni Manang Inday ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Ka-love team noon ni Tito Eddie sa Sampaguita Pictures si Manang Inday.

Napakamarami nilang mga pelikulang nagawa at noong mag-decide nga si Tito Eddie na magbalik-‘Pinas mula sa Los Angeles, California noong 1986 ay marami pa rin silang ginawang pelikula ni Manang Inday.

Nagkaroon din sila ng sitcom sa RPN9. Kaya siguradong mami-miss niya ang ka-love team niya na madalas nga niyang kaeksena noon.

Samantala, nakausap din namin si Ruffa Gutierrez noong Saturday night at ikinuwentong papunta rin siya sa burol ni Manang Inday.

Nang makausap namin kahapon si Tita Annabelle, ikinuwento na ang ilan sa mga nakita niya sa burol noong Saturday night ay sina Tito Sotto, Helen Gamboa, Maricel Soriano, Lani Mercado, Bryan Revilla, Malou Choa-Fagar, Carlitos Siguion-Reyna, Bibeth Orteza at marami pang iba.

Ang alam ni Tita Annabelle, hanggang mamayang gabi ay open pa rin sa public ang burol sa Heritage Park.

Patuloy naman sa pagluluksa ang showbiz industry sa pagkamatay ni Ms. Susan Roces na tinaguriang Queen of Philippine Movies.

Leave A Reply

Your email address will not be published.