Una sa Balita

Coco pinakamalaking aktor sa ‘Pinas ngayon

0 570

NI: ROSE GARCIA

Sa ngayon, si Coco Martin ang itinuturing na isa sa pinakamalaking aktor sa bansa. Siya rin ang masasabi na idolo ng karamihan, lalo na ng mga baguhan. Kung paano nagawa ni Coco mula sa mga maliliit na indie films, heto’t kilala na siya hindi lang bilang mahusay na ­aktor.

Isa na rin siyang direktor, editor at ­producer ng sariling film outfit, ang CCM Productions. Istrikto raw si Coco bilang ­producer/director.
“Gusto ko ang ginagawa ko, mahal ko ang ginagawa ko,” saad ni Coco.
“Sabi ko nga, kung bakit ako istrikto sa mga co-actors ko, kasi, palagi kong ­tinitingnan ang sarili ko sa kanila.

“Noong nagsisimula ako, hindi ako naglalaro sa set. Siyempre, gusto ko rin mangyari sa kanila ang nangyari sa akin, e. ‘Yung parang trabaho natin, gawin natin dito. ‘Yung ­pagiging artista natin, iwanan na natin sa mga tao ‘yan. Tawagin kang idol or whatever.

“Kaya napakahigpit ko sa oras kasi, gusto ko, lalong-lalo na sa mga nagsisimula na gusto ko, matutuhan nila ang pagiging propesyonal. Kasi ako, naniniwala ako na maraming magagaling na artista, pero, iilan lang ‘yung artistang propesyunal sa trabaho nila.

“At palagay ko, ‘yun ang mga artistang nagtatagal sa industriyang ito. Habang ­nagsisimula pa lang sila, ‘yun ang ilalagay ko sa kanila.”
Kuwento rin ni Coco, sa “Ang Probinsyano” raw, kahit mga medyas ay tsine-check niya.

“Bawal ma-late. Kahit ma-late ka ng five minutes, magpe-penalty ka at pakakainin mo ang buong set. Kapag hindi ka naka-black na medyas, pakakainin mo ang buong set.

“Kasi nga, ngayon pa lang, matutunan nila ang tamang attitude sa trabaho. Hindi tayo nagpapasakitan, nandito tayo, pantay-pantay lang tayo, nagta-trabaho tayo, ganu’n lang kasimple.”

‘3pol Trobol’
hindi basura

Nabanggit ni Vice Ganda na nang magkita sila, sinabi niya raw na okay lang siya na maging 1st runner-up nito sa MMFF ngayon.

“Honestly, wala kasi akong issue sa kung sino ang number 1, kung sino ang number 2. ‘Di ba, parang, iisipin mo pa ba ‘yun sa dami ng ano?
“Masasabi ko lang na siguro, dapat ay kinakabahan ako ngayon. Pero ngayon, excited ako. Kasi, kapag maganda ang produkto mo, excited kang ­i-announce sa mga tao at ­confident.”

Sabi rin ni Coco, “Ako, kung ako ang tatanungin, siyempre, gusto ko na sige kahit na anong under pa kami basta alam ko na pagkatapos ng ­Metro Manila Film ­Festival, alam kong proud ako sa ­ginawa ko. Lalong-lalo na ako ang ­nag-produce at alam ko na hindi ako napahiya sa mga ­co-actors ko dahil ­artista rin ako.

“Eh, ‘eto, proud ako. At sa hirap ng buhay ngayon, sa ­hirap ng pinagdadaanan, sulitin naman natin ang ibabayad nila.”
Hindi nga raw basura ang movie nila.

Ayokong lokohin ang
mga manonood — Cardo

Ayaw magpa-pressure ni Coco lalo na pagda­ting sa magta-Top 1 o magiging box-office hit sa MMFF.

Hindi raw nakakaramdam ng pressure si Coco ngayong Metro Manila Film Festival na kailangan number 1 sila.

“Wala, kasi ako ‘yung nag-edit, ako ang nakakita ng buong mater­yal. Ho­nestly, sobrang excited na excited ako.

“Every ti­me naman na gumagawa ako ng project o pelikula, ayoko kasi ng parang nadi-disappoint ang mga tao. Na parang lolokohin ko sila sa promo.

Sabi pa niya, “Ako, honestly, hindi man siguro kami enough kasi, wala kaming kasamang Star Cinema o VIVA or malalaking film outfit, proud ako kasi, ‘yung hinihintay ko, ‘yung after na mapanood ito ng mga tao.”
Bilang lead actor, ­director, ­editor at producer, may ­kumpiyansa raw siyang talaga sa nagawa nilang MMFF entry.

“Kumpiyansa ‘ko sa nagawa naming pelikula. Kasi, noong ginagawa namin, ang iniisip namin ay ‘yung mga manonood. Hindi para makipag-compete sa kahit anong pelikula.

“Honestly, proud kami at masaya kami na halos lahat ng pelikula na nasa Metro Manila Film Festival ay lahat magaganda. Kumbaga, ang ihahandog po natin sa mga tao ay magagandang pelikula at alam po natin sa sarili natin na isa po kami ro’n. Kaya sobra po kaming proud at hindi napi-pressure for Metro Manila Film Festival.”

Jennylyn, Ai Ai kailangan
ko sa negosyo — Martin

Ang isa sa mga pelikula sa 45th Metro Manila Film Festival na “3Pol Trobol: Huli ka Balbon” ay sa ilalim ng CCP Productions. Sa direction at editing ni Coco at kunsaan, kasama niya bilang mga lead stars ang dalawang “reyna” rin.

Ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas at Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Kaya tinanong nga si Coco kung sinadya raw ba nito na puro sila mga may mabibigat na titulo sa iisang pelikula.

“Honestly, ‘yung title ni Mama Ai as ­Comedy Queen, ‘yun ang ­dahilan kung bakit ko naisip ang proyekto. Kasi, ­naisip ko ang project, ang naisip kong una, artista. Inisip ko, sino pa kaya ang hindi ko nakaka-trabaho?

“Kasi, mahilig ako, combination. ‘Yung kapag nanood ang mga tao, ay talaga, mapapanood natin sila? Kagaya niyan, magkaibang networks kami. From ABS-CBN and GMA. So gusto ko, kung manonood sila, ‘yung hindi pa nila nakikita o napapanood.

“Kaya kay Mama Ai, ako talaga ang nakipag-usap sa kanya, nagbigay ng kuwento na tungkol sa mag-nanay. And then, siyempre, iba kapag nakasama mo ang Princess ng GMA. Isa sa pinakamaganda at pinakamagaling na artista.”

Nagkasama na sila dati ni Jennylyn sa isang indie film, ang “Nars” noong 2007.

“Nagkasama na kami ni Jen, magkaki­lala na kami and alam ko ‘yung ­taong lalapitan ko. And siyempre, aminin na natin na in-terms of business, kaila­ngan ko sila.

“Kaya ako talaga ang lumapit sa kanila para mabuo ang pelikulang ito. At ako, sobrang laki ng utang na loob ko na pumayag si Sam (Milby) na gawin ang pelikulang ito.

“Sam Milby ‘yan, nagdadalawang-isip ako kung papayag kaya si Sam na this time, siya ang kontrabida namin. Pero ‘yun nga, na-surprise ako na hindi kami nagdalawang salita, pumayag si Sam at ang management niya.”

Apat na matagumpay na taon na ang “Ang Probinsyano” sa ­telebisyon.

Kapansin-pansin din na sa ­tuwing gagawa ng pelikula si Coco, ­karamihan sa cast ay ang mga kasama niya rin sa serye. Parang automatic na ba ito sa kanya?

“Libre nga,” biro niya.

“Pero hindi po, kasi magagaling na actor sila. Kumbaga, magagaling na actor po sila. Siyempre, kung ikaw ang magdi-direk, iisipin mo pa ‘yung magwo-workshop pa, patuturuan mo pa. Siyempre, kung saan ka kumpor­table, sa ugali mo, alam na nila ang pacing mo.

“Parang ‘yung katrabaho mo, ­kapamilya mo. Sila po talaga, ­maaasahan mo sa trabaho, sa ­promo. Nagkakainintindihan na kami at ­kapamilya na ang turing.”

Hirap sa bebot role

Sinigurado raw ni Coco na ang mapapanood sa movie ay ibang-iba sa napapanood naman ­gabi-gabi sa kanya sa “Ang Probinsyano”.

Hindi nga lang bilang bodyguard na si Apollo “Pol” Balbon, siya rin ang makikilala bilang ­babaeng si Paloma.

“Ibang-iba talaga kasi alam ko na hindi ­puwedeng kung ano ang napapanood niyo sa Ang Probinsyano, ‘yun din ang mapapanood niyo sa pelikula. Siyempre, mapapahiya ako.

“Ako ang gumagawa ng Probinsyano, tapos sa pelikula, pareho lang. Paloma man ako rito, ibang-ibang Paloma siya.”

At para kay Coco, ang karakter raw niya ngayon ang masasabi niyang pinakamahirap na ginawa na niya bilang isang actor.

“In-terms of an actor, ang hirap! Kapag nakita nila ‘yun, ang hirap magbihis babae. Talagang in-effort-an ko. Ako ang dumarating nang pinakamaaga sa set kasi kung ano-ano ang ginagawa sa akin. Kung ano-ano ang nilalagay sa akin para maging sexy.”

Biro pa ni Coco, “Lahat ng pawis ko, napunta na sa basahan na nilalagay sa akin (puwet), meron pang corset.”

Nilahad niya rin kung paano niya nakumbinse si Jennylyn sa isang eksena nila.

“Napasubo ko rito, noong prinisent ko kay ­Jennylyn ang concept, ganito mangyayari. ‘May ­eksena tayo rito na magsu-swimming tayo. ­Naka-swimsuit ka, ­tapos ako rin, naka-T-back.’ ­Siyempre, pini-present ko kay Jen para pumayag siya.

“Eh, noong gagawin na namin ang pelikula, kaya ko bang panindigan? Kasi, kailangan kong magpa­kita ng puwet. Eh, siyempre, mapapahiya naman ako kay Jen kapag hindi ko ginawa, so ginawa na namin sa pelikula.”
Nagpakita siya ng puwet sa movie?

“Actually, ‘yun ang aabangan ng mga manonood,” natawang sabi niya.
Biro pa rin ni Coco, sana raw pagkatapos siyang mapanood sa “3Pol Trobol”, bumalik pa rin ang ­respeto sa kanya bilang si Cardo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy