Una sa Balita

Coco niyanig sa Pampanga

0 444

Ni: Rose Garcia

Dalawang beses nayanig ang Porac, Pampanga sa loob ng ilang araw.

Nauna ang pagyanig nang dumating sa kampanya ni Mark Lapid, na tumatakbong Mayor ng Porac, si Coco Martin. Talaga raw grabe ang na­ging pagtanggap ng mga taga-Pampanga sa “Ang Probinsyano” star na kahit hindi taga-Porac ay dumayo sa campaign rally. Dagundong daw talaga ang stage.

Kakuwentuhan namin si Tanya Garcia, misis ni Mark, at sa susunod na pagbalik ni Coco ay magha-hire na raw talaga sila ng karagdagang marshal.

Iba raw talaga ang popularidad ni Coco, pero kahanga-hanga rin ang pagbibigay nito ng oras para sumuporta sa mga itinuturing niyang kaibigan, tulad nga ni Mark.

Pero ang totoong pagyanig ng Porac at mga karatig-bayan ay ang naganap na magnitude 6.1 na lindol noong Lunes at sa Porac mismo ang apektado.

Naguho ang arko ng Pampanga at Bataan boundary, gayundin ang palengke ng Porac. May ilang namatay rin at nang kamustahin namin si Tanya, sinend niya sa private message namin ang naging damage naman sa mismong bahay pa lang nila sa Porac.

Sa status niya ngayon ay #PrayforPorac ang nakalagay.

Toni, Jhai Ho hawak kamay habang lumilindol

Nang dahil pa rin sa nangyaring lindol, may masasabi na si Toni Gonzaga na “longest holding hands” experience niya.

Kasalukuyang nagte-taping si Toni Gonzaga ng “Showbiz Pa More” ng Jeepney TV sa ABS-CBN.

Kitang-kita nang big­la itong mapatayo sa gitna ng interbyuhan nila ni DJ Jhai Ho. Nasa 14th floor sila ng ELJ Building kaya ganu’n na lang ka­lakas ang impact.

Sabi nga ni Jhai Ho, “Super Hindi ko makakalimutan lindol! Pansinin ang pag-uga ng mga halaman sa aming likuran. In the middle of my one on one interview niyanig kami ni Toni Gonzaga sa 14th floor ng ABS-CBN nakakatakot as in! Super dasal kami hanggang makababa. Pack up ang taping!”

Sumagot si Toni sa post ni Jhai at sinabi nitong iba na raw ang pinagdaanan nila ni Jhai Ho.

Sey niya, “Jhai!!! Pinakata matagal kong holding hands sa ABS. From 14th till exit! Iba ang pinagdaanan natin.”

Sa kanilang dalawa, si Toni raw ang kalmado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy