Una sa Balita

Coco nagsalita na sa GMA ban

By
0 3,512

Sinagot ni Coco Martin ang Instagram post ni Nay Lolit Solis kunsaan, hindi naman daw siya naniniwala na ban si Coco sa Kapuso network.

Na diumano’y bawal banggitin ang pangalan ni Coco. Sabi nga ng talent manager/co­lumnist at ngayo’y media influencer na rin na, “Hindi naman siguro ganun ka-petty na ang co-star ni Bossing Vic Sotto sa filmfest movie ay hindi pwedeng banggitin ang pangalan.”

Baka nga raw nakalimutan lang na banggitin ni Maine Mendoza ang pangalan ni Coco. Sila ang mga bida sa isa sa mga entry for 2018 MMFF na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Sabi pa ni Nay Lolit, “Imposible na hindi pagbigyan ng GMA si Coco dahil alam din ng lahat na sa 7 nag umpisa ang career ni Coco Martin. Huwag na nating bigyan ng malisya na hindi siya nabanggit, baka may big pakulo para sa announcement ng naturang mo­vie, malay natin, wait lang tayo.

Sa bait ni Coco sure ako na nag-melt ang puso ng mga executive ng GMA, sina Lilybeth Rasonable, Redgie Acuna Magno. Naku, exci­ted ‘yan na makita nang personal si Coco Martin sa studio ng 7 noh, bet ko iyan.

Sumagot nga si Coco sa post na ito na ayon dito, naiintindihan daw niya at mataas din ang respeto niya sa mga taga-GMA.

Aniya, “Nay okey lang po yun at naiintindihan ko. Sobrang taas po ng respeto ko sa GMA dahil sila ang unang nagbukas ng sakin ng pintuan lalo na si Sir Joey Abacan, napakabait po nila sa akin kaya wala pong problema sa akin yun.

“Kahit kailan hindi ako magtatampo sa kanila. Masaya na ako na natupad ko ang pa­ngarap ko na makatrabaho po si Bossing ganon din po si Maine.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy