Una sa Balita

Coco nag-promote ng pelikula nina Aga, Xia

0 426

Bukod sa simoy ng hangin ng Pasko na mararamdaman ngayon, ramdam na rin ng mga fan ang bonggang tapatan ng mga pelikulang tampok sa Metro Manila Film Festival 2019.

Simula na nga ng friendly competition dahil tila pino-promote pa ni Coco Martin ang pelikula ng kanyang rival movie na “Miracle in Cell No. 7” kung saan bida sina Aga Muhlach at Xia Vigor.

Hindi rin kasi maitatanggi na nakukyutan si Coco kay Xia kaya naman ibinahagi niya ang Tiktok entry nina Aga at Xia sa kanyang IG ­account.

Sumagot naman si Aga sa comment section at sinabing “Sobrang cute nitong si Xia!! Haha thanks bro!! See you sa parade, brother! Good luck sating lahat!”

Kaya tuwang-tuwa ang mga fan sa nakikita nilang ito, na hindi nga personalan ang labanan, o tipong nagsisiraan pa.

Anyway, bida nga sina Coco, Jennylyn Mercado sa pelikulang “3pol Trobol”. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy