Una sa Balita

Coco nag-perform sa Pista ng Nazareno

0 633

Ni: Glenn Regondola

Isa sa mga showbiz celebrity si Coco Martin na masa-sabing deboto talaga ng Black Nazarene ng Quiapo,

kaya nang mahilingan itong mag-perform sa vigil, o sa Traslacion ay hindi talaga ito tumanggi at binigyan niya ito ng oras.

Kaya, marami talaga ang natuwa nang makita siya na ang kinanta pa niya ay akmang-akma sa celebration.

Bilang isang tao at artista, marami munang pinagdaanan ang Kapamilya Primetime King kung saan siya humugot ng pag-asa at lakas sa pagiging deboto niya ng Black Nazarene. Taon-taon nga raw siyang nakikiisa sa Traslacion at hangga’t may lakas pa siya at panahon, hinding-hindi niya bibitawan ang debosyong ito. Ayon pa sa kanya, kung ano man ang kinalalagyan niya ngayon, utang na loob niya ito sa Itim Na Nazareno dahil sa dininig nito ang kanyang mga panala- ngin. May iba pang mga artista natin ang nagbahagi ng kanilang pagiging de- boto dito katulad nga ni McCoy de Leon, Angeline Quinto, Kris Aquino, Amy Perez. Naalala namin na noong 2014, sinabi ni Tetay na merong Black Nazarene handkerchief siya na inila- gay niya sa ziplock at ibini- gay niya kay Boy Abunda na may sakit ang nanay nito ng Alzheimer’s disease.