Una sa Balita

Coco Martin nakipagkulitan sa Dabarkads

0 2,018

abante-i-know-better-jun-nardoTumungtong si Coco Martin sa Eat Bulaga studio sa Broadway Centrum kahapon. Pero nasa studio siya hindi para mag-guest nang live sa programa kundi para kunan ang ilang eksena sa festival movie nila ni Vic Sotto na Jak Em Popoy.

Mainit namang tinanggap si Coco ng EB Dabarkads na gumising nang maaga para maging bahagi ng shooting sa pangungu­na ni Bossing. Nasa isang barangay naman sa Bulacan kahapon si Maine Mendoza para sa Sugod Bahay Gang kaya hindi niya nakita ang festive atmosphere sa studio.

Ayon naman sa nakasaksi ng shooting, at home na at home ang aktor kasama ang EB Dabarkads. Nakisabay siya sa kulitan ng lahat­ kaya lumabas na natural na natural ang eksenang kinunan.
Of course, mas madalas pang makikita si Coco sa EB once nagsimula na ang promotions ng filmfest movie nila nina Bossing at Meng.

 

Rita Daniella tumanggi sa retoke

 

Inayawan ni Rita Daniella na retokehin ang kanyang katawan para sa inilabas na fotos niya sa isang men’s magazine. Isinusulong kasi ng isa sa cast ng My Special Tatay ang adbokasiya niyang body positivity.

Sa totoo lang, mola ang dating ni Rita dahil sa malaking bulas ng katawan niya. Pero hindi rason ‘yon para magpa-lipo siya o gumamit ng tinatawag na photoshop sa litrato para lumiit ang mga braso, hita at binti!

“Kasi maganda raw tingnan pag payat, pangit pag mataba especially on Instagram. I want to change that perception. Social media teaches us to be insecure and judgmental, that everything should be altered,” saad ni Rita sa magazine.

Pero hindi lang sa projects sa TV at movie ipamamalas ng Kapuso artist ang kakaibang side ng sexy dahil sa susunod niyang album, aba, lilinya siya sa pagkakaroon ng sexy sound, huh!